Chapter9: Aww part2

21 0 0
                                    

Nabasa niyo na ba yung superiksing update sa special update ko?Eto na po yung kasunod:)

Enjoy!!

------------

(NOW PLAYING OPEN ARMS BY EXO.damhin niyo yung story:))

Kevin's p.o.v

Nakatayo parin si Flower habang patuloy ang pagpatak ng mga luha niya,

Ano ba kasing sinasabi ni Lance?!

At halatang napahiya siya sa ginawa ni lance sakanya,kausapin ko nga mamaya yung taong yun.

Pero gusto ko munang pakalmahin si flower,at gumawa ng paraan para hindi siya mapahiya..Kaya kahit mali tong gagawin ko, bahala na-_-

"Wag ka ng umiyak, ako yung nagligtas sayo"hindi ko rin alam kung bakit ko yun nasabi, sumigaw na rin ako sa mga taong nanunuod samin.

Lance maguusap tayo...

------

Flower p.o.v

(0.0)

"I..ikaw?"tanong ko kay kevin at hindi na muli akong umiyak.

"Oo, nang gabing yun nakita kita sa lugar na yon, tumakbo na ako agad dahil ayaw pa kitang magaalala, kaya so..sorry kung hindi ko agad na..nasabi yon"base sa mga mata niya parang may katotohonan iyon pero parang sabi ng puso ko si lance!Tanga ko-_-

Pinunasan ko nalang yung luha ko at hinarap ulit siya, pero this time nakayuko na siya, yung kamao niya..nakatiklop!Parang may susuntukin?ay o.a ko!

"Pero parang si lance yun eh"nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko,syete dapat pigilan ko to!

"Sorry sa inasta niya kanina, ganun lang siya flower"hindi parin siya humaharap sakin, bakit si kevin pa ang kelangang magsorry sa ginawa ni lance kanina?Eh diba sabi niya siya yung nagligtas sakin, kevin bakit parang hindi na crush ang tingin ko sayo?Ikaw ba talaga ang nagligtas at shining in armor ko?

Kasi kung oo....Ewan ko na-_-

"Kevin....Kahit naguguluhan ako, salamat..salamat sa pagligtas mo sa akin kung ikaw yun talaga..Kevin"tumulo na naman yung luha ko at bigla ko naman siyang nayakap..

---

Kevin p.o.v

Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap, At umiiyak.

Parang ang laki ng ginawa kong kasalanan sakanya.

Pero flower kahit may gusto na ako sayo at alam kong may gusto ka sa akin kahit hindi mo pa sabihin,..Hindi ka na muna mapapasakin dahil may taong nakalaan para sayo, Flower malalaman mo rin to sa tamang panahon.

Syete gusto ko sanang sabihin tong mga to pero wag muna ngayon-_-

--

FLOWER P.O.V

"Ang drama ko naman!Sorry ha?Naniniwala na ako na ikaw yung nagligtas sa akin!Pakisabi nalang kay lance na....Sorry"parang narealize ko na mali nga ako, bakit ko pa pinipilit na si lance yun?At ayoko namang ipagmukha sa taong nagligtas pala sa akin na ngayoy nasa harap ko na pala ay himdi siya, nahihiya na ako.

"Wag kang umiyak..geh una na ako naghihintay na yung mga bffs mo"sabay talikod niya na sa akin at naglakad na ring palayo.Kevin..Crush..

"Bhieeee!!"hindi pa nga ako nakarecover sa pagiyak ko eh sumigaw na ng napakalakas tong si purple.

Naglalakad na kasi kaming pauwi ngayon, at kanina pa ako nakayuko, nirerewind yung nangyari-_-

"Bhie, kausapin mo nga kami!"saad ni red

"Hmm?"tipid ko.

"Bakit ka umiyak?;!!Bakit hindi ka sumigaw kanina kung sino man yung nakaaway mo ah!Himala best!umiyak ka eh!hindi ka naman ganyan dati!!"oo first time akong umiyak, napahiya, nahiya,naglinis ng lahat ng to dahil kay lance.

"Bhie, mukang wala ka talaga sa mood, sige tomorrow ah ikwento mo samin?at kahit may kaalanan ka na hindi ka sumabay samin kanina eh pinapatawad ka na namin ni sis, kaya bukas ha?ingat bhie!mwah!babush"paalam nila sabay pasok na sa bahay nila.

Tuluyan nalang akong naglakad, nang may biglang kumuha ng bag ko!!!

Tumakbo ako para habulin yung taong magnanakaw na yon!bakit ba sunod sunod na nangyayare to?Kahapon may muntik nang manrape sakin tapos ngayon may magnanakaw!;eh bukas kaya?!bwiset.

Umiiyak na naman ako, sa totoo lang ang subdivision namin ay walang katao tao.

Hindi ko alam kung bakit tahimik samin.

At ang hndi ko pa nasabi sainyo.aps ako ngayon kaya ang hirap sumigaw..

Nakikita ko parin yung nagnakaw ng bag ko may laman kasi yun na pera.

Pero kahit tumatakbo at sobrang pagod na ako, eh ang layo niya na..huhuhu

Ang dami ko ng luha sa mata ko, huminto nalang ako dahil hindi ko na kaya pinanood ko nalang yung magnanakaw sa malayo na tumatakbo, napaupo nalang ako pero nang biglang..

May sumuntok sa magnanakaw na yon, ang layo kasi nila at nakatalikod yung lalakeng sumuntok sakanya, nahulog yung bag ko at tumakbo na agad yung magnanakaw mukang takot sa taong nagligtas na naman sakin..

Pero bigla nalang siya nawala.

Pinunasan ko muna yung mga luha ko at tumayo na ako at pinuntahan yung nahulog kong bag..Hinanap ko yung taong tumulong sakin.

Pero nagulat ako dahil siya na naman yon....

Pero nang niwindang ko yung mata ko kung siya ba ulit eh nawala na naman siya..

Bakit siya nalang yung nakikita kong lumiligtas sa akin?Pero pag ginusot ko yung mata ko nawawala agad?Siya dahil siya lang yung taong nakita ko lang ngayon sa kalsada.

Hindi ko na maintindihan yung sarili ko.

Lance...bakit ikaw na naman??

-----

Lance p.o.v

Binalikan ko na ulit si kevin kahit hingal parin ako.

Pero...

Sana hindi niya ako nakita..

Kevin p.o.v

Iniintindi ko nalang si lance, ayaw ko ulit na mangyari yung nangyari dati sakanya kaya ko to ginagawa.

Kaya simula nang may nagpatibok ulit sa puso niya...palihim nalang siya..

Palihim na nagmamahal-_-

Kaya kahit masakit na magpanggap na wala akong nararamdaman,...ilalalaan ko nalang siya sa besfriend ko..

(-_-)

-----abangan

Wag iiyak ah?Abangan yung next chapter-_-CHAPTER10: MOVES PART1

-exoexo12

Joker,Tripper,LOVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon