Xander p.o.v
Buti nakatulog na siya ng mabuti,nasa tapat na kami ngayon ng isang spesyal na restaurant, parang secret restaurant to kasi medyo malayo talaga to sa lugar namin, medyo konti ang mga tao dito dahil nga sila lang ang nakakaalam ng lugar na to pero mostly couples ang pumupunta dito specially during valentines or special day of their life.
Dinala ko si flower dito dahil sa isang rason, rason na kung saan ang hirap intindihin, pero ang alam ko...siya lang ang unang babaeng dinala ko dito, oo..siya lang naalala ko tuloy dati...
(Flash back..)
3 years ago...
"Dude san tayo gigimik?"tanong ko kay bespren lance habang inaayos namin yung gamit dahil katatapos lang kaming nagbasketball
"Secret restaurant"tipid niya, ang hilig magipon ng salita tong ugok na to eh
"Secret restaurant?Where yun tol?"isa rin tong si kevin, ang hilig maginglish ng butiki,-_-
"Basta, tara na"at una na siyang umalis at sumunod na rin kami.
Pumunta kami sa kanya kanyang kotse namin maliban kay lance dahil bisikleta ang gamit niya non, nauna siya samin para sundan nalang namin siya..kaya medyo pinatagal ko nalang yung pagmamaneho dahil kung bibilisan ko baka maunahan ko pa si lance-_-
Hanggang sa nakarating nga kami sa lugar na yon, malayo siya sa lugar namin, mukang totoo nga yung sinabi niya.
"Dude eto na ba yun?"sabi ni kevin habang naghahanap kami ng mauupuan
"Hindi tol, sa america pa yun"'pabiro namang sabi ni lance, magbibiro na nha lang..corny pa tsk
"Corny naman, ang daming chicks pero, puta taken naman lahat oh!"sabay tingin sa iba, oo nga puro couples yung andito at meron ding mga nagiisa, hays..
"Magorder na nga tayo"sabi ko at tinignan yung mga menu, pagkatapos binigay nalang namin sa waiter.
"Tol ang boring dito"tinignan ko si kevin at pinaiikot niya lang yung ipod niya mukang bored nga
"Umuwi ka na"tinignan ko si lance at nakaheaphones lang hindi ko alam kung may music yun o wala eh, baka pamporma niya lang yun
"Grabe, joke lang---"at biglang tumunog yung phone niya.
"Hello dad?..okay..im on my way..bye"at binaba niya na ito mukang aalis siya
"Mga pre, may pupuntahan lang ako, bukas nalang ulit"sabi niya at tumayo na.
"Geh ingat"sabi ko at ganun rin si lance pagkatapos nun ay umalis na siya.
Pagkatapos naming kumain ni ugok lance eh nagkwentuhan lang kami tungkol sa game ng basketball namin dahil lalaban ulit kami next month.
Tumayo siya bigla non.
"San ka punta tol?"tanong ko
"Magwiwish, sama ka?"nagulat ako sa sinabi niya, parang bata pa eh
"geh san ba?"sabi ko at tumayo na rin at hindi na siya sumagot bagkus sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa likurang lugar na to,3rd floor ang inakyat namin parang rooftop narin pero hindi ko masasabi dahil may 3 floors pa sa taas eh.Ang ganda dun sa baba lalo ns sa taas, gabi na pero parang umaga dahil ang daming mga bituin.
"Tol magwish na tayo,11:11 na"sabi niya at napatingin ako sa relo , tama siya, medyo matagal na kasi kaming tumambay dito eh kaya napasobra ng gabi.
Tumingin ako sa pinakamaliwanag na star, nababakla ako sa ginagawa ko pero okay lang din naman wala naman sigurong masamang magwish eh.
Simple lang yung hiniling ko..
BINABASA MO ANG
Joker,Tripper,LOVER?
Teen FictionIstoryang nakakaiba sa lahat ah basta basahin niyo,sabi nga nila DONT JUDGE BY ITS COVER!kaya read niyo nalang,ako nga natatawa ako pag nababasa ko to pero may part na maiiyak na ewan basta nakakaiba tong lovestory na to.:)