Chapter10: Moves part1

19 0 0
                                    

(NOW PLAYING YOUR NOT SORRY BY TAYLOR SWIFT)

Kevin p.o.v

"Dude nahuli ka ba niya?"tanong ko sakanya, tinatago ko muna yung pagkainis ko kay lance ngayon, nasa bahay nila kami ngayon.

"Di ko lam"seryoso niyang sabi, nakasandal lang siya sa pader ngayon at nakaupo lang ako.

"Sa tingin mo ba tama yang ginagawa mo tol?"tanong ko, pareho naming tinitignan yung malayo, iniisip ko ngayon si flower.

---

Lance p.o.v

Tama ba tong ginagawa ko?Sa tingin ko.....OO.

--

Kevin p.o.v

"Oo"sagot niya.

Kung hindi ko lang to bestfriend, pinatay ko na siya-_-tsk.

"Geh, ginusto mo yan eh"sabi ko.

"Anung ginawa mo sakanya nung umalis ako kanina sa field?"gusto ko sanang sabihin na nasasaktan siya sa ginawa niyang pagpapahiya pero wag na.

"Sinabi kong ako yung nagligtas sakanya"tinignan ko siya, at nakatingin parin tong gago kong bespren sa malayo.

"Anung reaksyon niya tol?"walang kareareaksyon yung mukha niya.

"Nagulat at nagpasalamat"sagot ko, sinandal ko nalang yung ulo ko sa sofa

"Pagtakpan mo muna ako ngayon tol, kaw nalang muna bahala sakanya habang nagsusungit ako dun"hindi ko nalang siya tinignan bagkus napabuntong hininga nalang ako.

"Geh akong bahala sayo at sainyo ngayon, alam ko namang ayaw mong sabihin yung rason mo kung bakit eh, pero sana habang tinatago mo siya sa dilim sana may marealize ka dude"

Kahit alam ko naman yung rason-_-

"Thank you tol"buti nagthank you tong mokong-_-

"Pero may favor pa sana ako"favor na naman,pag nasobrahan yung favor favor niya eh bahala na-_-

"Ano?"sadyang nilakasan ko yung pagsabi ko, para matauhan tssk-_-

"Habang ikaw lang yung nakakalapit at nakakausap niya ng maayos...Sana iwasan mo yung pagkakataong...magkagusto ka tol"tinignan ko siya pero nakatingin na rin siya sa akin.

Kung alam mo lang tol, matagal na..matagal ko na siyang ginusto at ..minahal.Pero hanggang tingin nalang yun-_-

"Sana nga"hindi ko na alam yung reaksyon niya dahil tumingin na ko agad sa kisame.

---

LANCE P.O.V

Alam kong may gusto siya sa babaeng yun, pero binalewala ko nalang yun dahil pinayuhan ko naman na siya-_-

Shet ang hirap-_-

--

Kevin p.o.v

Gusto ko ng humiga sa bahay, kaya tumayo na ako.

Pero bago ako lumabas sa kwarto ng gagong to eh nagsalita muna ako.

"Tol, pagisipan mo yung ginagawa mo"at umalis na ako.

------abangan

-exoexo12

Joker,Tripper,LOVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon