SYDNEY POV
Hi BTW, I'm Sydney Sabreville. 18. Half Korean and Pnay. Yan lang dahil wala ako sa mood ngayon. Lam nyo kong bakit?.........................................Natalo lang naman ako kanina, peste.
Ang nakakainis pa dun, nagpapalibre pa ang mga ungas eh, alam naman nilang wala akong pera, bwesit.😑😑Naglalakad ako ngayon papunta sa malaki raw nilang bulletin board. Di ako nagskateboard, mababadtrip lang ako. Titingnan ko lang muna kong sang section at building ako.
Seriously, napakalaki ng school na to. Eastern Prime University. Di lang to University dahil lahat ng department andito na. Nursery, Elementary, High School Department andito rin. Kaya sobrang laki talaga nito. Pero di ka naman mawawala dahil, organized naman ang pagkagawa ng school nato. Magaling ang Engineer na nagplano nito, I wonder kung sino sya.
Tiningnan ko ang mapa, yes tama kayo ng nabasa may mapa sila kahit di naman kailangan, tiningnan ko iyon at manghang mangha parin ako sa laki. Parihaba ang hugis ng school. May dalawang building na naghahati dun para maging magmukhang tatlong parisukat. May daanan naman ang mga building na yun para maka punta ka parin sa ibang department.
Ang dalawang building na naghahati ay ang Senior High at Students and Faculties Facility building. Sa unang hugis parisukat makikita ang nursery, elementary, high school at Senior high department kung saan dun nakalocate ang room ni Jade. Sa gitnang parisukat makikita ang Senior high, 1st year college kung saan dun si Zelka, 2nd year college kung saan nakalocate ang room namin ni Kyle, at Students and Faculties Facility building. At ang huling parisukat naman makikita dun ang Students and Faculties Facility, 3rd year college kung saan dun si Gab, 4th year college at Gymnasium.
Hmmmnnn...........maganda nga ang school pero ang mga estudyante? Baka naman mga patapon, hahaha. Ok parang bumabalik na ang mood ko dahil sa view ng school.
Tiningnan ko ang relo ko at quarter to 8 na. May 15 minutes na lang ako, patay!!!!😫 Eh nandito pa ako sa may bulletin board eh, dun pa sa kabila yung quarter namin dahil sa pwesto ko ngayon ay territoryo na ng mga matatandang estudyante (3rd, 4th year college). Kailangan ko ng gamitin ang skateboard ko, bahala na yang bad vibes na yan.
Mga building kasi dito ay malalaki. Lalo na yung pinuntahan ko (Students and Faculties Facility building). Sa side kasi ng quarter namin nakalocate ang mga Students facility like club, library, laboratories, etc. Sa side naman ng quarter nina Gab nakalocate ang Faculties Facility like Guidance Office, Meeting room and other offices.
Ok tama na ang paliwanagan, kailangan ko ng magmadali.
Habang nagpapadasdas ako ng paa sa semento( dahil nga skateboard gamit namin di naman nila sinabing bawal ang skateboard sa school) papunta sa destinasyon ko, nakita ko sa may quadrangle ang isang grupo ng kalalakihan na nagjajamming, at........napabilib nila ako kasi ang galing nilang gumawa ng tugtog gamit lang ang ibat ibang parte ng katawan nila.
May nakita rin akong mga studyante sa lobby na nag aaral, at ang nakakagulat pa dun, di lang nerd ang nag aaral kundi pati mga di halatang nag aaral. Ang iba, nag papaturo sa mga nerds. May mga damuho pang, parang teacher kung makapag explain. Pati mga staff ay palaging busy.
Wow!!!😮 Ganito pala ang mga tao sa school nato?? Sobrang desiplinado....Grabe, eh dun nga sa dati naming school, halos ang mga tao dun walang patutunguhan sa buhay, may naglalampungan pa sa may flag pole, mga teachers na sobrang tamad magturo, bodyguard na palaging tulog, janitor na kumilos parang uod, mga bully, mga demonyo, etc. Eh, dito?? Mga matitino ang mga tao.
Habang manghang mangha pa ako sa mga tao dito, may biglang tumawag sa pangalan ko, at boses palang nito, alam ko na kung sino.
"HOY!! SYDNEY, BA'T KA NAG WALKOUT HA!!??"
BINABASA MO ANG
Boyish Boys V.S Boyish Girls
Misteri / ThrillerA story about two rivals ended up as best friends. About how their friendship is being built by their stupidity and frivolous act. About how they face together the hardships and challenges. But, What if, someone will destroy them? Someone who starte...