PAHABOL DAYS... ESTE STORY...

96 4 1
                                    

habang nasa kwarto ko, biglang nagrring ang phone ko.

may tumatawag...

number lang....

sino naman kaya to?

"hello?" sabi ko...

"hello" isang lalaki ang nagsalita...

"sino to?" tanong ko ulit...

"hulaan mo," sagot niya...

"ibababa ko na," pagtataray ko

"oy! wag! teka lang" biglang sabi niya...

"oh so sino ka nga?"

"i love you," sagot niya...

nabigla ako.... ha?

"haluh?" sabi ko, "ganda naman ng pangalan mo nakakabwisit."

"hindi," sabi niya, "ibig kong sabihin, mahal kita Lhyka.."

naiirita na ako..

"nakakapeste, sino ka ba kasi? ayoko manghula.." sabi ko

"namiss mo ba ako? kasi ikaw oo miss na miss na kita.." sagot niya

"muntanga naman oh..." kinukutuban na ako...

maya-maya may kumatok bigla sa pinto sa ibaba... 

sino naman kaya iyon?

nagsabay pa sila...

"oh mukhang may kumakatok ah... lakas ha dinig hanggang phone," bigla niyang sabi..

"oo nga eh pansin ko din," sabi ko..

"buksan mo na, hindi ko ibababa itong phone ko promise, hihintayin kitang matapos sa mga ginagawa mo hanggang free ka nang kausapin ako Lhyka,"

lalong lumakas ang katok....

nataranta na ako hindi ko na alam kung anong uunahin ko...

"teka!! sandali lang naman masyadong nagmamadali!!!" sigaw ko sabay baba ng mabilis sa hagdan papuntang pintuan, nakalimutan kong nakatapat pa nga pala ang phone sa tenga ko at hindi ko na naibaba...

pagkabukas ko...

"Hello... kamusta na Lhyka.." sabi ng isang lalaking nakatayo sa harap ko, hawak ang phone niya, nakatapat sa kanyang tenga,,, nakangiti siya sa akin...

hindi  ko inaasahan...

tumulo mula sa mga mata ko ang masasayang patak ng luha......

Sino si Crush? Sino si Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon