CHAPTER SEVEN: Sino naman ito?

75 1 0
                                    

hawak ang kamay ko, diretso kami sa meal corner ng canteen...

ang daming klase ng ulam ang nakahanda....

yun nga lang..... ginto sila...

ang mahal!!!

"sigeh, pili ka nalang ng kahit ano at ilan jan, sagot ko yan ako bahala," sabi nya sa akin...

"H-ha? sigurado ka ba?" tanong ko....

"oo naman," sagot niya sabay ngiti...

"bakit mo ba ito ginagawa?"

"hindi ba nga natapon ko yung baon mo? edi papalitan ko..."

"nakakahiya naman..."

"ako nga ang dapat mahiya eh... Na-istorbo pa kita..."

"Ganon? o sigeh ikaw bahala," sagot ko sabay pili sa chicken curry...

" ah chicken curry... favortie ko yan," sabi niya, nakangiti parin..

"ok.." sagot ko

humarap siya sa cook at nagsalita...

"dalawa nga pong chicken curry please, tapos 2 extra rice.." 

dumukot siya sa pitaka at naglabas ng limang daan.... sosyal...

"thank you,"

--xxx--

habang nasa table kami at kumakain, kapansin-pansing halos lahat ng kababaihan nakatingin sa akin, parang hindi maganda....

"teka paano mo nga pala nalaman ang name ko?" tanong ko sa kanya

"ah... nakita ko kasi ID mo kanina eh..." sabi nya...

"ang hirap mo pala kasabay kumain,"

"ha? bakit naman?"

"eh tingnan mo lahat ng babae dito parang gusto na akong tunawin sa tingin nila oh,"

"hahaha... hayaan mo na. tingin  lang namn yon eh...  tsaka ikaw ang kasama ko at may malaki akong utang sa iyo, alangan namang paalisin kita, edi lalo kang nagalit sakin,"

"pasensya ka na nga pala kung nasigawan kita kanina ha..."

"ok lang... kasalanan ko namn eh."

biglang may lumapit samin na  dalawang 1st year...

" Hi po kuya... a-ano ... p-pwede po bang papicture?"  tanong ng isa... mejo namumula...

"oo namn sure. ok lang," sabi ni Henry sabay ngiti.

tumayo siya sa upuan, umakbay sa bata at hinayaang kunan siya ng  litrato ng kasama nito...

"salamat po.." at umalis na ang bata... narinig pa namin sa malayo ang tili nito....

" hahaha... sorry dun ha..." sabi nyang nakatingin sa akin...

"peymus ka talaga eh noh? iba eh..." asar ko...

"sus hindi ah... baka natutuwa lang sa akin yung bata."

"pa humble pa to. hahaha"

"alam mo nakakatuwa ka... ang sarap mo kasama," sabi niya...

"talaga? pft. che... hahaha."

"may request lang akong isa," nagseryoso ang mukha niya...

"ano yon?" nagseryoso na din ako...

"pwede ba kitang kasabay tuwing break time? ok lang?"

natahimik ako...

ha? ganun?

"a-anong sabi mo?" tanong ko...

"masaya ka kasi kasama.... sana kasabay kita lagi kumain para lagi akong matawa," ngiti siya ulit...

"bakit? nakaktawa ba itsura ko?" 

"hindi naman yun eh... hahaha... nakakatawa ka kasi kausap."

"kung ganon sige ok lang... pero minsan may isa pa akong kasabay din eh," sagot ko...

"oh? sino?"

"si Amy.... bestfriend ko.."

"ah... ok lang... bestfriend  namn pala eh...." nakangiti parin...

syete ang pogi pala neto nuh.... kaya pala...

sakto namang nagring ang school bell, pumasok si Amy...

nakita akong kausap si Henry...

"o pano, una na ako ha... nga pala," dumukot siya sa bulsa niya, naglabas ng ballpen, " akin na kamay mo."

"bakit?" tanong ko kay Henry..

"basta," sagot niya..

iniabot ko naman....

may isinulat siya doon...

number ng isang sim....

"text mo ako ha," kumindat siya tapos umalis nang nakangiti....

habang palayo siya, palapit naman sa akin si Amy....

"Lhyka... totoo ba ang nakita ko? kausap mo si Henry Valderama kanina lang?" gulat na sabi niya...

"oo... eh ano naman?" tanong ko...

"patingin nga ako ng kamay mo," sabi niya sabay kuha sa kamay ko....

napatingin siya sa akin...

"Lhyka.... binigay nya ang number na to sayo?"

"oh ano bang meron?"

"Ha!!! hindi mo alam?! grabeh, ikaw pa lang ang babae dito sa campus na may ganyang number niya!"

"a-ano? anong ibig sabihin nun?"

"sa palagay ko ito yung personal na number niya na binibigay niya lang sa family or sa super close friends nya na puro lalaki.... yung number niya kasi na alam ng public eh ginagamit nya lang for fan greetings and group messages, meron ako nun eh yun nga lang ang balita ko hindi siya ngppm gamit ang number na yon kaya wala rin.... so madaming humahunting dun sa personal number niya na iyan...."

"h-ha? baka naman mali ka lang?" hindi ko alam kung anong gagawin ko.....

ano na ba nangyayari?

"hindi. hindi ako pwedeng magkamali. basta, ngayong meron ka niyan.... mag-ingat ka. kasi madaming magagalit sayo, at siguradong pag-uusapan ka dito sa campus for the next 2 days," sabi ni Amy....

Sino si Crush? Sino si Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon