CHAPTER TEN: ang gulo

67 3 2
                                    

habang umaandar ang kotse may naiisip ako...

"ayoko muna sa bahay. punta muna tayo sa park," sabi ko

"ah... o sige sige ikaw bahala," sabi ni Henry...

maya-maya pa ay huminto na ang kotse sa tapat ng isang park....

wala ng tao....

past 12 na kasi....

dumiretso ako sa swing....

sumunod si Henry....

"Lhyka may problema ba?" tanong niya...

"ako? madami.... pero iniisip ko kasi yung sinabi mo..." 

"bakit may tanong ka ba dun?"

"nung isang linggo mo lang ako nakilala eh.... bakit ako?"

"basta.... iba ka kasi eh..... di ko rin maintindihan.... ewan...."

"Henry..."

"ano yun?" humarap siya sa akin....

"sorry ha..."

"sorry para saan?"

"ito na siguro kasi ang huling pagkikita natin."

"ha? bakit aalis ka na ba? saan ka pupunta?"

"hindi.... bawal na kasi ako lumapit sa iyo... ayaw ng girlfriend mo."

"girlfriend? wala nama-- teka.... si Minette ba nagsabi sa iyo na girlfriend ko siya? huwag ka maniwala dun... marami na siyang sinabihan ng ganun kahit hindi naman totoo.."

"alam ko naman eh.... pero para wala na lang gulo siguro..."

"Lhyka huwag naman please..."

"pasensya ka na Henry,"

"tinatakot ka na niya?"

di ako nakapagsalita...

"poprotektahan kita... huwag ka matakot..... please Lhyka mahal kita,"

"di ko na alam Henry... kailangan ko munang mag-isip."

hindi na siya nagsalita....

tumayo na ako....

ilang sandali lang tumayo narin siya....

hinila niya ang kamay ko.....

kinabig ang katawan ko papunta sa kanya....

ngayon yakap na niya ako...

mahigpit....

"nakikiusap ako.... Lhyka huwag kang lalayo..." mahigpit ang yakap niya...

"Henry hindi ako makahinga..."

lalong humigpit ang yakap niya

"sabihin mo munang hindi ka lalayo," bulong niya....

di ko na alam ang sasabihin ko....

"please Lhyka bigyan mo naman ako ng chance.."

"pag-iisipan ko...... ihatid mo na ako..."

---xxx---

pagkarating ko sa bahay, bumungad agad sa akin si mama...

"oh kamusta? masaya ba?" tanong niyang nakangiti....

"Ma, pagod po si Lhyka eh..... akyat na daw po siya.." sabi ko sabay diretso sa kwarto.... 

nagpalit ng damit....

naghilamos....

nagtoothbrush...

humilata sa kama.....

at inisip ang mga sinabi ni Henry....

matagal....

tapos nakatulog ng hindi alam ang gagawin.....

Sino si Crush? Sino si Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon