CHAPTER ELEVEN: Nagbago na ang lahat

76 3 0
                                    

--LUNES--

breaktime....

mula sa canteen kasabay ko si Henry pabalik sa room ko.... mapilit eh.... wala akong nagawa....

umalis na siya pagkahatid niya sa akin....

papaakyat na ako ng hagdan ng makita ko si Ramiel....

nakatingin sa akin....

nakita nya ata ako na kasama si Ramiel....

ang bigat ng pakiramdam ko.....

pumunta siya sa kinatatayuan ko....

hinawakan niya ang kamay ko....

tapos nagsalita siya ng, "Lhyka mag-usap tayo."

hinila niya ako papunta sa corridor malapit sa isang CR. mahigpit ang pagkakahawak niya...

nang huminto na kami sa paglalakad, hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya....

"ano? ano baang gusto mong sabihin?" naiinis na tanong ko....

"Lhyka gusto mo ba si Henry?" seryoso ang mukha niya....

ano? ano bang pinagtatanong nito sa akin?

"bakit ba?" tanong ko ulit...

"sagutin mo ako, gusto mo ba siya?"

"eh ano naman sa iyo?"

...

hindi siya nagsalita....

nakatingin lang siya sa akin...

"bakit ka ba ganyan magtanong?" lumakad ako palayo sa kanya..... pero mga ilang hakbang pa lang ako eh bigla siyang nagsalita....

"Lhyka gusto kita..."

napahinto ako sa paglalakad....

tama ba ang narinig ko?

gusto ko sanang ipaulit sa kanya ang mga salitang iyon pero mukhang hindi na kailangan....

dahil inulit niya ito.....

"Lhyka gusto kita....."

halos sumabog ang dibdib ko sa magkakahalong kaba, galit, tuwa at pagkabiglang naramdaman ko ng mga oras na iyon....

di ako lumingon pa sa kanya.....

tumakbo ako papunta sa classroom namin.....

hindi pinansin ang mga pagtawag niya........

pumapatak ng mga luha ko......

ano bang akala niya sa mga salitang iyon? laro? isang joke?

ano ba to lokohan?

ano na ba ang nangyayri sa mundo ko....

kung kailan handa na ako para kalimutan siya at subukang maging malapit kay Henry at saka naman niya sinabi ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig mula sa kanya....

hindi na muli pang huminto ang mga luha ko pagdating sa hallway....

---xxx---

--UWIAN--

habang naglalakad ako pauwi ay may tumabig sa dala kong libro....

si Minette....

biglang-bigla ay sinampal niya ako...

"bakit ba?!" tanong ko sa kanya...

"hindi ka kasi marunong makinig!!!" sabi niya.....

"anong ibig mong sabihin?" 

"Hindi mo alam?" sinampal niya ako ulit, "para yan sa kakapalan ng mukha mo at para sa kalandian mo!!"

hindi ako makaganti dahil alam kong tama siya...  alam ko na kung ano ang tinutukoy niya....

iniangat niya ulit ang kamay niya, handa ng sampalin ako....

napayuko ako at napapikit....

biglang may yumakap sa akin at hinarang ang parating na sampal ni Minette...

"wala kang karapatang saktan siya!" itinulak niya palayo si Minette, "hindi ako pumapatol sa babae, pero kapag si Lhyka ang ginalaw ibang usapan na yan..."

nasa bisig ako ngayon ni Ramiel.....

ilang sandali lang dumating na rin si Henry..... gumitna sa amin....

"anong nangyayari dito? Lhyka ok ka lang?" tanong ni Henry...

"Henry ilayo mo kay Lhyka ang babaeng yan.." sabi ni Ramiel...

"t-tara na Minette, umalis ka na dito," sabi ni Henry

"no!" sigaw ni Minette, "ang malanding babaeng iyan ang dahilan kung bakit hindi mo na ako napapansin! dapat lang na masaktan ang babaeng yan!" sagot niya kay Henry...

dumarami na ang tao sa paligid... pinagtitinginan na kami....

"pero hindi kita gusto!! pasensya na pero si Lhyka ang mahal ko!" sabi ni Henry...

natulala si Minette sa sinabi ni Henry....

maya-maya pa tumulo na ang mga luha niya... nawala ang matapang na imahe at galit sa mukha niya....

tumakbo siya palayo....

naawa ako.... nagmahal lang namn siya....

"Tara na Lhyka, ihahatid na kita sa inyo," sabi ni Ramiel...

"teka pare, ako na, para makabawi ako sa ginawa ni MInette," sagot naman ni Henry...

"hindi, ok lang, ako na,"

"ako na... hayaan mo na siya sa akin," sabi ulit ni Henry....

'ako na nga eh! bakit ba ang kulit mo?" sabi ni Ramiel...

"eh bakit ikaw din namn ah! ano mo ba siya ha?" sagot ni Henry...

"girlfriend ko siya," may angas na sabi ni Ramiel...

ano daw niya ako? girlfriend?

"ano!" halatang nabigla si Henry, "totoo ba to Lhyka ha? adik ka ba pare?"

napuno na ako...

"Tumigil na kayong dalawa!!!" sigaw ko, napahinto sila...

"kaya kong umuwi mag-isa! walang maghahatid sa akin!" humarap ako kay Ramiel, "at ikaw, walang tayo! hindi mo ako girlfirend!"

tumalikod na ako sa dalawa at lumakad palayo...

narinig ko pa ang pagtakbo nila para habulin ako....

huminto ako at di humaharap na sinabi, "walang susunod! tigilan nyo akong dalawa!" 

tumakbo na ako....

agad na sumakay ng jeep at umalis pauwi....

Sino si Crush? Sino si Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon