CHAPTER FIFTEEN: mga bagay na hindi ko naisip

92 3 0
                                    

at eto ang nakalagay sa unang entry ng diary nya....

Dear Diary, 

                Sumulat ako ng diary para sa isang taong lubhang mahalaga at espesyal para sa akin. At gusto ko sanang itago ang mga alaala ko sa kanya at sa tingin ko wala nang mas magandang paraan kung hindi ang isulat ito.

                Nagtext sa akin si Lhyka kanina. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tinatanong niya. Kinakabahan ako habang nakikipag-usap sa kanya kaya tinapos ko na lang ang usapan namin sa isang "ok". Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang ginawa ko. Pagkatapos noon nanghinayang ako kasi hindi na ulit siya nagreply. Pinagsisisihan ko yun. Piste kasi eh. Hai ewan natameme na naman ako kanina sa kanya....

naalala ko bigla iyon.... ang unang text namin.... 

binasa ko pa ang iba pang entry....

Dear Diary,

                Kanina, may isang hindi inaasahang pangyayari sa eskuwelahan. Nabangga ako sa kanya. Kay Lhyka. Pero sa tingin ko malalim ang iniisip niya dahil hindi niya ako napansin. Kaso nga lang hindi naman talaga ako napapansin hindi ba? Pero kanina, naramdaman ko na naman ang pakiramdam na iyon. Yung halos lumuwa ang puso ko sa kaba. Natatandaan ko pa kanina tinawag ko siya sa pangalan niya. Hindi kaya siya magtaka na alam ko ang pangalan niya? Sana hindi. Nakakahiya kapag nalaman niyang crush ko siya. Baka kapag nalaman niya lumayo na siya at hindi ko na ulit siya makausap. Ayoko. Hindi ko kaya yun.

ang pagkakabangga rin namin sa corridor.... 

natatandaan ko rin iyon....

totoo ba itong mga nababasa ko?

ano pa bang meron dito?

Dear Diary,

           Wala akong magawa kanina kaya naman tinugtog ko na lang ang isa sa mga pinakapaborito kong kanta. Ang kanta ni Sitti na "Para sa akin". Pero may nangyari na naman. Isang maganda at pamilyar na boses ang biglang kumanta sa saliw ng aking gitara. Napakagandang pakinggan ng tinig niya. Hindi ko napigilan at sinabayan ko ito. Nagulat ako ng makita ko na ang babaeng kumakanta. Si Lhyka pala. Inayos ko ang pagkanta ko para maimpress siya. Kaso sa tingin ko wala namang epekto. Nilampasan niya lang ako. Hai kailan ko kaya siya makakasama ng matagal? Gusto ko sana yung kaming dalawa lang..

...

...

mali ka Ramiel....

may epekto sa akin....

Sino si Crush? Sino si Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon