Oras | 4:11 AM

6 1 0
                                    

10:20 pm

Muli akong napangiti nang makita ko ang oras na iyan. Tandang-tanda ko no’n saktong ika-4 ng Marso taong 2018 nang ika’y bumisita dito sa amin. Nagkaroon tayo no’n ng maliit na tampuhan pero dahil sa ayaw mong nagtatampuhan tayo, inayos natin kaagad.

Hindi ko makakalimutan kung paano ka umiyak sa harapan ko dahil aminado ka sa pagkukulang mo. Aminado ka na hindi mo ako nalaanan ng oras kung kaya hindi ka nakasipot sa pagkikita natin na siyang ikinatampo ko.

Tatlong oras akong naghintay sa ating tagpuan pero hindi ka nakarating. At ngayon, higit tatlong oras na rin akong nakatitig sa kisame, inaalala ang pinagsamahan natin.

1:54 am

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko nang makita ko kung anong oras na. Tandang-tanda ko pa rin no’ng ika-16 ng Abril taong 2018 nang nagpaalam tayo sa isa’t isa. Nagkaroon tayo ng maliit na tampuhan na hindi kaagad naayos kung kaya humantong tayo sa puntong ito.

Hindi ko makakalimutan kung paano ako umiyak dahil sa sakit ng katotohanang pinakawalan na kita. Hindi mo napunan ‘yong pagkukulang mo kung kaya ako’y nawalan ng kapit sa’yo. Hindi mo na talaga ako nalaanan ng oras kung kaya hindi ka nakasipot sa pagkikita natin na siyang ikinatampo ko. Ilang beses na ring nangyari iyon. Ilang gabi ang pinagpuyatan ko umaasang may mensaheng matatanggap galing sa’yo ngunit wala.

Dagdag mo pang wala namang tayo.

Tatlong oras na kitang iniiyakan ngayon. Pero alam ko sa sarili kong matatanggap ko rin ang pagkawala mo. Alam ko namang mas makakabuti ‘yon sa’yo e ‘di ba? Alam ko namang marami ka talaga ginagawa. Tatanggapin ko na lang kaysa naman hayaan kitang nakakapit pero nahihirapan ka. Ayos na ang masaktan, huwag ka lang mahirapan.


**

4:13 AM | APR 28, 2018

Every Hour Thoughts (One-Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon