Minulat ko ang aking mga mata at muling tumitig sa kisame ng aking silid. Ilang minuto pa akong nakatitig dito at saka ko napagdesisyonang bumangon. Inabot ko ang isang litrato at voicerecord ko sa aking side table at pinakatitigan ang litratong hawak ko.
"Hey! Goodmorning, today is 29th day of May. 3:00 am" Sambit ko ng may pait na ngiti saking mga labi "Another day for me, and for you. Another day waiting to someone, another day of hope. Kamusta kana? Ayos ka lang ba? Kumakain ka ba ng maayos? Pero sana okay ka lang. Alam mo matagal ko ng sinusubukang hanapin ang pwedeng maging account mo sa iba't ibang social media, pero di pa rin ako sumusuko." Lumuluhang sambit ko habang patuloy na hinahaplos ang litratong pinakaiingatan ko. "At ngayon binigyan ako ng panibagong araw para bigyang pag-asa. Hinding-hindi ako magsasawang hintayin ka." Isang halik ang ginawad ko sa litratong hawak ko sabay patay sa voicerecord at pagpahid ng aking luha.
Tumayo na ako ng tuloyan at itinagong muli ang litrato at voicerecord sa aking side table at nagbihis na at saka bumaba..
"Magandang umaga Hija" masayang bati ni manang sakin na nakaupo sa may sala habang nanunuod ng balita. Na lagi na nyang ginagawa.
"Good morning din po manang" ganting bati ko at tumungo sa kusina upang uminom.
"Hija, aalis kana ba?" Tanong ni manang na sinundan pala ako. Tumango na lamang ako sakanya. "Ganon ba, sige at nakahanda na si Van sa labas"
Lumabas na ako ng kusina at kinuha ang jacket kong ipinatong kanina sa may sofa at isinuot.
"Manang alis na po ako" bumaling ako kay manang na pinagmamasdan lang ako. "Babalik po ako kaagad"
"Sige hija" ngumiti ito sakin "Naku! Sandali hija, kukunin ko lang ang iyong pagkain" sambit nito at nagmadaling pumasok sa kusina.
Ito na ang laging ginagawa ni manang , hinihintay akong magising at ipinaghahanda ako ng aking babaonin.
Mabilis din itong bumalik at dala ang paper bag.
"Ito na hija, ubusin mo iyan." Tumango lamang ako sa kanya " Tara na sa labas" at Tumungo na kaming dalawa sa labas.
"Good morning Maam Chilee!" Masayang salubong ni kuya Van na isang driver namin.
"Kuya Van, Chilee po" nakangusong sambit ko at tumawa lang ito kasabay si manang.
"Good morning chilee" tumatawang sambit nito. "Tara na?"
"Opo kuya Van." At nagmadali naman itong pumasok sa driver seat nang mapagbuksan ako. "Manang Alis na po kami"
"Mag iingat kayo" aniya manang at pumasok na rin ako sa loob.
Sila na ang lagi kong nakakasama dito sa bahay, si manang at kuya Van. Dahil busy naman ang aking magulang.
Mabilis din kaming nakarating dahil malapit naman ito pagsumakay ka.
"Chilee, Matagal ko na tong tanong" aniya kuya van habang tinatabi na ang kotse sa gilid.
Tumingin lamang ako sakanya "At alam kong di mo na naman ito sasagutin. Hahahah" biglang bawi nya.
"Sige po kuya van. Wag nyo na po akong sunduin ahh. At tuluyan na akong lumabas sa ng kotse.
Nag lakad na ako patungo sa aking naging tambayan. Ang lugar kung saan ako kumukuha ng lakas at pag asa, ang lugar kung saan una at huli kami nagtagpo, ang lugar na naging tambayan ko sa tuwing sasapit ang madaling araw. Ang lugar na aking kinakasama sa mga nagdaang taon, ito ang lugar na lagi kung tinatagbuhan tuwing may malupit na kanaranasan ako sa buhay
"The Eden Park"Tulala akong umupo sa swing. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata na may ngiting sa labi at sabay Tiningala ang madilim pang kalangitan.
Nanatili akong ganun, nakahawak ang magkabilang kamay sa taling sumusuporta sa swing at dinuduyan ng marahan.
"Gusto na kitang makita, Gusto na kitang makausap muli, gusto ko nang makasama ka. Pero kailan ka ba darating?" Sambit ko sa ganon paring posisyon. "Miss na miss na miss na tlaga kita." Ilang butil ng luha ang kumawala sa aking mata saka ko dahan-dahang iminulat ang aking mga mata.
Ilang minuto pa ay tumayo na ako at naglatag ng telang nakalagay sa paper bag. Umupo ako sabay abot ng pagkain na pinadala sakin ni manang.
Sandwich at Bottle na may mainit pa na kape ito.
Habang kumakain ay inililibot ko ang aking mga paningin sa kabuoan ng park na ito. Madilim pa rin ang kalangitan kaya may mga Iba't ibang lights pa rin ang makikita sa paligid ng park na nagbibigay lalo ng ganda dito.Halos lahat na ay napuntahan ko, bawat sulok ng park na ito ay natungo ko na. Kabisado ko na rin ang lahat ng meron rito. Pero isa lang ang paborito kong spot dito, itong aking kinalalagyan. Sa paanan ng punong buhay na buhay at may dalawang swing sa nito.
Walang araw na hindi ako nagtungo dto. Walang taong pumigil sakin, walang sinuman ang naupo sa paanan ng punong ito, kundi ako lang.
Nang maubos ko na ang aking pagkain ay nahiga na ako. Ginawa kong unan ang dalawang kong kamay. At pinatitigang mabuyi ang lkalangitan na unti-unti na ring kumakalat ng liwanag.
Nang tuluyan ng magliwanag ang kalangitan ay ang pagpatay namn ng mga lights sa kapaligiran.
Ilang minuto pa ay tumayo na ako at iniligpit na ang aking gamit. At nang maayos ko na ng mga nagamit ko ay nagpasya na akong malgkad para makauwi na.
Malayo ang amibg bahay sa park na ito kong maglalakad ka lang di katulad kung sasakay ka ay mabilis kang makakarating. Hinahatid lamang ako tuwing pupunta ako dito, at sinabi ko kay dad na hindi na ako kailangang sunduin pa dahil maaga namn at dala exercise na rin, pumayag naman sya.
Pumasok kaagad ako ng dumating ako sa bahay. Naabutan ko si manang na nagluluto sa kusina at amoy na amoy ko ang niluluto nya. Madali niya akong napansin kaya mabilis ito bumaling sakin.
"Hija, inihanda na kita ng tubig para sa panligo mo"
Opo manang, Salamat po" ngumiti na laamng ito sakin. "Sige po, sa taas na po ako"
"Bumaba ka kaagad para makakain ka na" tumango lamang ako at tinalikuran ko na sya.
Umakyat ako kaagad sa aking silid at hinanda na ang aking susuotin. Saka pumasok sa aking banyo.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionIsang babaeng naghihintay sa pagbabalik ng lalakeng kay tagal nyang hinintay. Sa pagbabalik ng taong nangakong babalikan sya. Sa mahabang panahon ng kanyang paghihintay na hindi nya kailanman inakalang masasaktan lang pala sya. Siya si CHILEEANN