Chapter 7

5 0 0
                                    

Kalahating oras din akong naligo saka lumabas at dumiretso sa walk in closet ko para magbihis.

Isang pares na pantulog ang sinuot ko dahil magdidilim na rin... hapon na kasi ang ang uwi ko kanina.

Pinatuyo ko ang buhok ko at nag lagay ng body lotion. Ilang minuto ay tapos na kaya pumunta na ako sa sofa at inabot ang remote.

Hinanap ko kaagad ang Tvn channel. Kung saan puro korean ang palabas dun. Tamang-tama naman at may live na concert dun ng mga sikat na gropo.

Tuwang tuwa ako ng makita ko doon ang mga gropo na paborito ko. Sikat kasi sila kaya.

5:30 na nang matapos ang pinapanuod ko kaya na isipan kong bumaba muna.

Dumiretso kaagad ako ng dinning area nang hindi ko nakita si manang sa salas.

At tama nga ako dahil andun nga si manang. Naghahanda sa mesa.

"Manang ako na po"

"Sige at kukunin ko lang ang Ulam" aniya nito na nagtungo na kusina.

Ako naman ay inayos ang plato at ang kanin ay nilagay sa gitna.

Ilang minuto pa ay dumating na si manang dala ang mga ulam.

"Manang si kuya Van po?" Tanong ko ng diko ito napapansin.

"Sinabihan ko na sya na sumabay nng kumain" ani manang.

"Ahh.." tumango ako at nilagyan na ng kanin at ulam ang aking plato.

Ganun din ang ginawa ni manang. Ilang minuto pa y dumating na si kuya van.

"Kuya Van, kain na po"

"Yes maam chilee" napangiti ako sakanya ganun din manang.

"Maupo kana Anak, Van" utos ni manang sa kanyang anak.

Yes, si manang ang ina ni kuya van. Kinuha ni daddy si kuya van na maging driver at dahil anak naman ito ni manang.

Bata pa lang ako ay andito na si manang, sya na ang naging kasama ko sa tuwing wala ang both parents ko.

Naupo na rin si kuya Van at Naglagay na rin ng pagkain sa kanyang plato.

Walang imik kaming kumakain hanggang sa basagin ni manang ang Katahimikan.

"Nakausap kana ba ng iyong mga magulang hija?" Ani manang

"Hm.. Hindi po manang. Ilang araw na po nila ako hindi tinatawagan. " nagtataka nga ako kung bakit wala akong natatanggap na tawag sa kanila or message man lang.

"Ganun ba, tumatawag naman sila sakin. Akala ko naman ay kinakausap ka rin nila" umiling ako kay manang.

"Wala po eih"

"Ahhh.. Siguro dahil Sinasabi ko naman sa kanila ang lagay mo rito hija. Nasa manila sila ngayon. Kakatapos lang ng kanilang business meeting sa palawan." Wika ni manang nagpatuloy na pag galaw ng kanyang pagkain.

Minsan iisipin ko ng hindi ako naaalala nila mommy and daddy.
Nakakatampo na rin minsan

Nagpatuloy kaming kumain ng tahimik.

At nang matapos kami ay nagpaalam na ako na pupunta na muna ako sa pool area para lumanghap ng sariwang hanginn..

Tinatanaw ko ang tubig sa pool habang nakatayo sa gilid. Maliwanag ang buong paligid dahil sa ibat ibang lights na nakapalibot.

Kalahating oras rin akong nakatauo ron at lumalamig na rin. Kaya naisipan kong pumasok na.

Naabutan ko si kuya Van sa salas na nakaupo sa isang mahabang sofa.

"Chilee... " baling nito sakin.

Ako naman ay nasa tv ang atensyon. Isa itong movie na action mula sa Hollywood.

"Hindi pa ata kita nakitang manuod ng mga Ganitong palabas" wika niya kaya bumaling ako sakanya. Nakatayo pa rin ako sa gilid.

"Yeahh... mas gusto ko lovestory"

"Teka, hanap lang ako."

"Wag na po kuya van, aakyat na rin naman ako sa kwarto ko. Magpapahinga na rin ako." Pigil ko sakanya ng kinuha nito ang remote.

"Ahh... ganun ba"

"Sige kuya van. Akyat na po ako. Paki sabi na rin po kay manang na umakyat na ako." Tumango naman sya.

"Good night chi"

"Good night kuya" nagtungo na ako sa aking kwarto at dumiretso sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.

Pagkatapos ay sumampa na ako sa kama at tumitig sa kisame habang yakap yakap si stitch.

Ilang minuto pa ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mata. At tuluyan na akong tinangay ng tulog.

Isang madilim ang aking nakita ng sandali kong iminulat ang aking mga mata.

Tahimik ang lugar na ito, tanging madilim na kalangitan ang aking nakikita.

Bumangon ako bigla para matukoy kong nasaan ako.

At nang makita ko ang buong paligid ay bigla kong naalalang nakatulog pala ako nang mapagod ako kanina.

Bigla ay tumulo ang luha ko. Umalis daw kasi sila mommy dahil may business meeting sila at nalaman ko na lang pag uwi ko na matatagalan sila. First time nilang umalis kaya lumabas ako ng bahay ng walang pasabi kay manang at kuya van.

Napadpad ako sa lugar na ito at nakita ako ng gropo ni Mariel. Inaway na naman nila ako.

Humahagulgol na ako ng maalala ang lahat habang nakasubsob ang mukha sa tuhod.

"Hey!!" Nagulat ako ng may biglang magsalita. "Why are you crying?"

Diko sya sinagot bagkus ay inagat ko ang aking ulo at nagtama ang aming mga mata. Isang batang lalake.

Nasisisguro kong kaedad ko lamang sya.

"You okay?" Tanong nito ulit

"Ano sa tingin mo?" Balik tanong ko na ikinataas ng isa nyang kilay.

"Your crying, So I think you're not" kibit balikat nitong wika.

"Bat ka pa nagtanobg kong alam mo namn pala. Tsss" inis kong sambit at inilibot ang paningin.

"Crazy!!" Singhal nya

"What?"

"Nah-ah" umiling ito. "I said, I'm handsome"

"Ipo-ipo"

Napakunit nuo sya sa sinabi ko.

"Ipo-ipo?" Takang tanong nya.

"Oo, ikaw yun" tumayo na ako sa lagkakaupo sya naman ay nakatayo pa rin.

Iniwan ko na sya dun na nakakunot ang nuo.

"See you tomorrow!!" Sigaw nito

"Where?" Bumaling ako sakanya.

Ngumiti ito "Here!" Nagtaka akong tumalikod sa kanya. "Please.... Tomorrow!" Muli nitong sigaw dahil papalayo na ako sakanya~~~~

Nagising ako bigla at hinihingal na bumangon.

"Nightmare?" Naguguluhan kong tanong sa sarili "But why? Bakit?" Hibihingal parin ako.

Tumulo ang luha ko ng maalala ang panaginip ko.

"Bakit yun ang panaginip ko? Bakit parang~~~~" humagulgol na ako ng tuluyan.

Sobrang naguguluhan na ako.....


To be Continued.....

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon