Chapter 3

7 1 0
                                    

Nang wala pa rin akong mahanap ay nagpasya na lang akong pumasok sa bahay dahil nagdidilim na rin ang kalangitan.

Tumayo at iniligpit ko ang aking mga gamit kasama ang mga pinagkaiinan ko ng dumating si manang sa kinatatayuan ko.

"Ako na hija" agad inagaw sakin ni manang ang tray na dadalhin ko sana sa kusina. "Mabuti naman at naubos mo" nakangiting aniya nito na nagpangiti na rin sakin.

"Nagutom at masarap po kasing manang. Hahah" tumawa kami at humakbang na patungong kabahayan.

Nang makarating kami sa loob ay humakbang ako patungong hagdan.

"Manang sa itaas na po muna ako" paalam ko kay manang na nakangiting tumango lang.

Agad akong pumasok sa aking kwarto at inilatag ang dala kong laptop at cellphone sa may study table.

Umupo ako doon dahil bigla kong naalala ang sketch na di ko pala natapos dahil sa aking hilo na naramdaman.

Ipinagpatuloy ko ito, nag-play na rin ako ng music sa may speaker para may kunting ingay.

Sinasabahayan ko ang bawat lyrics ng kanta at nakafocus lang ang aking mata sa pagsketch.

Hilig ko na ang pag sketch ng ibat ibang mukha at kahit na ano. Naging libangan ko na ito tuwing bored ako lalo na ngayong bakasyon.

Ilang minuto pa ay tapos ko na ang sketch kong mukha ni Sue Ramirez na isa sa mga idol ko sa mga celebrity.

Iniayos ko ang mga Materials na ginamit ko at inilagay ko na rin sa drawer.

Nagtungo na ako sa may banyo para makapagligo na..

Kalahating oras din bago ako lumabas ng banyo at dumiretso sa closet ko para kumuha ng damit na isusuot ko.

Isang pares ng pantulog ang kinuha ko at mabilis na isinuot ito.

Matapos kong magbihis ay nagsuklay at nag blower ako ng aking buhok.

Nang masiguro kong mala na ang aking buhok ay nahiga kaagad ako sa kama dahil tinatamad na akong magbukas ng tv. Nahiga na ako at niyakap si stitch sa tabi ko.

Habang patuloy pa rin ang pag-play ng music ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mata at tuluyan na akong tinangay ng tulog.

~~~~~~Zzzzzzzzzzzzzzzzz~~~~~~~

KINABUKASAN

Nagising na lang ako bigla gaya ng nakasanayan ko.

Bumangon na ako at kinuha ang litrato at voice record sa drawer ng aking side table.

Isang ngiti ang pibakawalan ko sa pagkakataong ito kasabay ng haplos sa litratong kay tagal ko ng pinakaiingatan.

"Good morning. Today is 30th day of May. 3:01 am" masaya kong sambit ng nagsimulang mag play ang voicerecord. " God give me another day of waiting, he give me hope. I miss you so much. Its been a years. I can't wait to see you again" isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata"take care of yourself" at dun na nag unahan ang luhang diko na mapigilan.

Nag stop na rin ang voice record. Habang ako ay patuloy lang sa pag luha. Sanay na akong umiyak ng umiyak. At siguro wala ng katapusan ang luhang ito.

Ilang minuto akong nakatulala at pagluha saka ako tumayo. Itinabi ko ulit ang picture and voicerecord.

Pumasok ako ng banyo para makapag hilamos ng mukha at maka toothbrush. Ilang minuto pa ay lumabas na ako para makapagbis.

Isang leggings na pang jogging ang suot ko, sleeveless na pinatungan ko ng makapal na jacket at isang pares ng sapatos.

Itinali ko ang aking buhok at hindi ko na pinakailaman ang mukha ko.

Bumaba ako at nakasalubong ko si manang na may dalang tubig at paperbag.

Inabot niya ito sakin kaya mabilis kong kinuha at inubos ang laman ng baso. Kinuha ko na rin ang paper bag.

"Hindi ka na naman kumain ng hapunan hija" aniya nito.

"Hmm.. Nabusog po kasi ako sa meryenda kahapon. Naubos ko po kasi" sagot ko.

"Bumalik ka kaagad mamaya para makakain ka kaagad" tumango ako sakanya.

"Tara at ihatid na kita sa labas" sabi ni manang na ipinatong na muna ang basong hawak ko kanina sa gilid.

Tumango ulit ako sakanya.

"Good morning chilee" nakangiting bati ni kuya van na ngayon ay nagkakape.

"Good morning kuya van" bati ko rin pabalik.

"Pupunta na ba tayo?"

"Ahh hindi pa po kayo tapos uminom ng kape kuya"

"Naku, babalikan ko rin naman ito kaagad. Malapit lang naman ang paghahatidan ko sayo." Anito na pinagbuksan na ako ng pinto.

"Sige po manang. Alis na po kami" paalam ko kay manang.

"Ingat hija, uwi ka kaagad"

"Opo"

Ito na ang nakasanayan ko, hindi lang ako kundi ang nakapaligid na rin saking mga tao. This is my everyday routine. Gigising ng umaga, iiyak at pupunta sa isang lugar mag isa.

Bumaling ako kay kuya Van nang mapark na nya ang sasakyan sa tabi.

"Thankyou kuya van"

"Walang anuman chi. Umuwi ka kaagad. Mag ingat ka" tumango ako kay kuya van saka bumaba at kinawayan sya.

Nagtungo kaagad ako sa aking tamabayan dala ang paperbag na lagi kong dala sa tuwing pupunta ako dito

Tuloy tuloy lang ako sa may swing ng maibaba ko ang paper bag sa tabi.

Naupo ako at unti unting ginalaw ang swing. Kumapit ako sa tali ng marahan kong pinipikit ang aking mata at tinitingala ang kalangitan na nababalutan ng kadiliman dahil madaling araw palang namn.

"I Miss You so much. I really miss you" sambit ko habang patuloy lang sa aking posisyon. "I can't wait to see you again. Hinding hindi ako titigil na puntahan at hintayin ka dito. Soon magkikita tayo. Gaya ng pinangako mo" at dito muli bumuhos ang luhang kanina pa gustong kumawala.

"Lagi na lang. Bat ba di na maubos ubos ang luhang ito" luhang kong aniya sa hangin.

"Tsk" singhal ng taong na~~

Huwaait? Whaaat? May suminghal? Wala naman akong kasama kanina, at sigurado akong kanina pa umalis si kuya van. Pero sino to? Multo? Ohmyghad! No way!

Pinakiramdaman ko ang taong ito. Di ako gumalaw, nagsalita at di ko iminulat ang akibg mata.

"You really a Lunatic huh? Tsk tsk" tuluyan na itong nagsalita. At alam kong boses ito ng lalaki. Mapang asar na boses. Shemss!.

To be Continued.....

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon