chapter 2

10 0 0
                                    

Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako at nagbihis kaagad. Simpleng short at malaking tshirt ang isinuot ko. Sinuklay ko ang aking hanggang balikat na buhok. Nag ayos lang ako ng kaunti saka ako nagpasyang bumababa.

"Manang" sambit ko ng makita si manang na naghahanda na sa mesa. "Sumabay na po kayo sa akin" ngumiti lang ito.

"Naku, marami pa akong gagawin sa labas hija" ngumiti lang din ako at naupo na.

"Sige hija at tawagan mo lang ako pag may kailangan ka"

"Ahh opo manang" mabilis itong nagtingo palabas.

Naglagay na rin ako ng mga pagkain sa aking plato. Bacon, hotdog, sandwich, kunting kanin at gatas ang madalas kong sinasagot kay manang sa tuwing tatanongin nya ako ng aking gustong breakfast.

Tahimik lang akong kumain. Nasanay na ako kumain mag isa sa mahabang mesang meron kami. Minsan naman ay nasasamahan ako ni manang kung wala syang masyadong ginagawa.

Mabilis kong natapos ang aking pagkain. Inubos ko ang lahat ng meron sa aking plato.

Tumayo ako at iniligpit ang aking pinagkaininan para ipunta sa sink at mahugasan. Madalas ay ako ang naghuhugas ng mga pinagkaininan ko kahit pilit na sinasabi ni manang na di ko dapat gawin pero lagi kong rason sakanya na minsan lang naman ito at iilang plato lang naman.

Madali kong natapos ang paghuhugas kaya pinapamala ko na lang ang aking kamay. Nang tuluyan na itong magmala ay nagpasaya akong pumunta sa sala. Umupo ako at inabot ang isang pillow.

Gamit ang remote naghanap ako ng magandang channel. Napili ko ang isang channel kung saan ibat ibang mga kanta ang aking maririnig. I love music.

Ilang kanta ang mga narinig ko at napanuod na music videos nito. Kaya nang matapos ay napanguso na lang ako.

Naghanap ulit ako ng ibat ibang channel pero wala ata akong nagustuhan kaya pinatay ko na lang ang tv at umakyat sa aking kwarto. Naupo ako sa aking side table at sinubukang libangin ang sarili sa pagsketch ng ibat ibang mukha ng kpop idol ko.

Ilang oras ko din ginagawa ang pagsketch ng maramndaman kong nahihilo ako kaya tumayo na ako at nahiga sa kama.

Tumitig ako sa kisame ng aking kwarto at dahan dahang inilibot ang aking paningin sa kabuon ng aking kwarto simula sa pintong meron ang aking kwarto hanggang sa aking veranda na tanaw na tanaw ang garden ni mommy na inaalagaan ni manang sa tuwing wala si mommy.

Bumaling aking mga mata sa katabi kong Woman size na si stitch sa tabi ko at niyakap ito ng mahigpit.

"I love you baby" bulong ko na parang nakakarinig ito.

Bumitaw ako ng yakap kay baby stitch at bumangon ng wala na akong kahit anong nararamdaman na pagkahilo. Tumungo ako sa aking veranda upang pagmasdan ang mga malawak na ganden ni mommy.

Tanaw na tanaw ko naman ang mabulaklak na mga halaman na halatang sobrang mahal ang bili sa mga ito.

Bigla ay nagulat ako ng may kumatok sa aking pinto. Bumaling ako sa direksyon ng pinto.

"Hija, bubuksan ko na ahh" aniya manang at binuksan ang pinto. "Hindi kana nakapagtanghaliaan hija, di na rin kita ginising dahil himbing na himbing kang natutulog" nakalapit na si manang sakin.

"Opo, medyo nahilo po kasi ako kanina kaya nakatulog na lang ako"

"May hinanda akong meryenda sa ibaba. Kumain ka"

"Sige po manang susunod ako" tumango lang si manang sakin at humakbang na ito patalikod. "Ahh, manang pwede po bang sa tabing pool po ako" bigla kong naisip na maganda ang ihip ng hangin sa labas.

"Ohh sige hija, dadalhin ko doon. Sumunod ka kaagad" tinunguang ko si manang saka pumunta sa may salamin para mag ayos ng sarili.

Kinuha ko rin ang aking Cellphone at Laptop para dalhin sa ibaba.

Dumeritso kaagad ako sa pool area na malapit sa garden ni mommy.

Umupo ako sa round table na meron dito. Inilapag ko ang aking dala na laptop at cellphone.

"Heto na hija" aniya manang at ipinatong ang tray na naglalaman ng kanyang inihanda.

"Thankyou manang" ngumiti ako rito.

Umalis din kaagad si manang dahil ililigpit pa daw nya ang mga ginamit nya kusina.

Sinimulan ko ng kainan ang meryendang dinala sakin ni manang.
Binuksan ko rin ang laptop para maka online sa Twitter.

Bumungad sakin ang dami ng notification ko.

Binasa ko na lang ang ibat ibang tweets ng mga tao. Dalawang araw din akong hindi nag open ng Twitter and any account ko.

Nang biglang may nag ring sa cellphone ko.

Tale's Calling......

Ano naman kayang kailangan ng babaeng ito. Hayssst.

Mabilis ko itong sinagot at baka masigawan na naman ako gamit ang microphone nya.
"Hello?" Bungad ko.

"I miss youuuuu!" Inilayo ko kaagad ang cellphone ko sa lakas ng boses nya. "Bat ang tagal mong sumagot ng tawag ko? Diba sabi ko One ring lang dapat?!!" Ito na naman sya.

"Dalawang ring lang naman yon ahh. Hmm. Kailangan mo?"

"So? Ganyan ka na ngayon? Namiss kita Gurl, at wala man lang narinig sayo na 'I miss you too tale' or 'sobrang miss na kita'?!" Kahit kailan ang ingay ng babaeng ito.

"Okay fine. I miss you Tale.... namiss kita. So, happy now?" Irita kong sagot.

"Ang harsh mo sakin!!" I'm sure nakapout ang isnag ito. "By the way, sabay tayong mag enroll gurl ahh?"

"Yeahh..." nguya-nguya kong sambit.

"What are doin?"

"Eating.."

"Ohhh.... Me too" at ayon nga narinig ko rin na ngumunguya na rin ito. "I'm fucking bored here" mura nito na nakasanayan ko na.

"That's life... hahaha" tawa ko na sinabayan na rin nya.

"Uhmm. I'll end this call gurl" paalam niya. " tinatawag na ako nila daddy"

"Yeahh" sagot ko " I love you tale and I miss you" pahabol ko.

"Ayiee.... I love you and I miss you too Gurl!!" Tumawa lang ako. "Bye!!"

Binaba ko kaagad ang phone ko ng nawala na ng tuluyan ang kabilang linya. Saka ko inumpisahan ang naudlot kong gawain kanina.

Naubos ko ang mga pancakes at juice ko habang naghahanap ng mga magagandang Backdrop para sa art na gagawin ko bukas....


To be continued....

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon