Chapter 00

23.9K 263 43
                                    


"Nay! Alis na po ako!" Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng bahay para mabilis akong makahanap ng trabaho.

Kung tatanungin niyo kung nasaan yung tatay ko ayun nasa langit na. Ako na ngayon ang magtatrabaho dahil may sakit si nanay at ayokong lumala iyon, meron akong nakababatang kapatid. Grade 10 na siya ngayon kaya pwede nang maiwan-iwan, mayroon na nga yatang girlfriend eh.

Naglakad nalang ako papuntang sakayan ng jeep dahil sayang pamasahe kapag nag-tricycle pa akong pupunta don, keri ko namang maglakad kumbaga excercise na rin.

Sabi ni nanay maganda raw ako, maputi naman ako, natural na curl ang dulo ng buhok ko. Minsan sumasali ako sa beauty pageant dito sa lugar namin, nananalo naman ako pero hindi parin sapat yung mga napanalunan ko na pambili ng gamot ni nanay at allowance namin ni bunso.

Nang makarating ako sa sakayan ng jeep ay sumakay na agad ako dahil mamaya punuan na naman. Umupo ako malapit sa pagbabaan para hindi ko na kailangang lumakad ng malayo kapag bababa.

Pagkatapos ng ilang minuto ay umandar na ang jeep na sinasakyan ko.


-


"At saan ka na naman nanggaling Moon Shine Lopez?" Nakataas-kilay na tanong ng nanay niya

"Uhmm, somewhere?" Kumunot ang noo ng kanyang ina, hindi mo mapagkakamalang nanay niya ito dahil bata pa ang itsura ng nanay niya at hindi maipagkakailang maganda ang kanyang ina kaya nga maganda ang lahi nila.

"Hoy Moon Shine Lopez! Umayos ka kung ayaw mong sipain kita palabas mg mansion!" Banta ng kanyang ina kaya sumeryoso ang ekspresyon niya.

"I'm with my friends--"

"You mean girlfriends?" Her mother smirked kaya umirap siya. Yes! You read it right, she's attracted to girls ewan ba niya, basta nagising nalang siya isang araw na babae na rin ang gusto niya gusto rin naman niya ang mga boys pero mas gusto niya ang mga babae. Yes! She's bisexual and a typical girl na maarte sa katawan, magaling sa fashion at syempre hindi mawawala ang make-up and others. Puso lang talaga niya ang kakaiba, tanggap naman iyon ng nanay niya kaya thankful siya kasi abnormal din ang nanay niya.

"Stop it mom!" Her mother pouted.

"Wala na nga ang kuya mo dito tapos ikaw naman palaging wala sa bahay!" She sighed at lumapit sa mommy niya

"Mom, I'm sorry okay?" She glared at her

"You reached my line dear, get ready dahil ikukuha kita ng personal maid slash babysitter mo!" Her mother smirked.

"What the hell mom! Hindi na ako bata!" She frustratingly shout.

"Oh eh di personal assistant! Don't shout at me young lady! That's final kaya pumunta kana sa kwarto mo dahil ikukuha kitang personal maid slash babysitter mo as soon as possible!" Nag-walk out na ang mommy niya kaya napahilamos siya ng mukha.

What would she do!?


-


Nagpapahinga ako sa isang bench na nakita ko habang naglalakad ako. Ang hirap palang maghanap ng trabaho! Busy ako sa pagtingin sa diyaryo nang biglang may tumigil na isang magarang kotse sa harap ko. Isang napakagandang babae ang lumabas sa sasakyang iyon.

Lopez Series #1: Played By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon