Chapter 04

4.3K 128 6
                                    


No One's POV

Dumating si Moon sa table nila na may kasunod na tatlong lalaki na hawak hawak ang inorder ni Moon para sa kanilang dalawa. Napahilamos siya sa mukha niya nang makita niyang lahat yata ng nasa display ay binili niya. "Bakit ang dami mong binili?" Tanong ni Solar sakanya.

"You didn't tell me what food do you want to eat so I ordered everything." Sagot niya kaya napanganga siya. "Tingin mo ba mauubos natin lahat ito?" Tanong niya kay Moon

Nagkibit-balikat lamang siya dito. "We can give it to the kids on the street." Nagulat si Solar sa sinabi ni Moon.

"What?" Tinaasan niya ng kilay si Solar.

"Wala." Sabi ni Solar at ngumiti ng matamis kaya inirapan siya ni Moon.

"Uhm, excuse me?" Napatingin sila sa cute na batang naka-violet dress. "Yes?" Tanong ni Solar sa bata. "Uhm, can I take pictures with her?" Tanong niya sa bata at tinuro si Moon na nagtaka.

"Ikaw po ito diba?" Tanong ng bata at ipinakita ang isang punit na papel. Hindi iyon papel, isa iyong piraso sa isang Magazine na siya ang cover. Nakaramdam ng pagkapahiya si Solar dahil naalala niyang sikat na model nga pala si Moon.

"Yes. Where did you get that kid?" Tanong ni Moon sa bata.

"Idol na Idol po kita Miss Moon Shine! Ang ganda-ganda niyo po!" Sabi niya at nginitian si Moon.

"Ako na magpi-picture." Sabi ni Solar at binigay naman ng bata ang camera niya kay Solar.

Nakatatlong shots sila bago umalis ang bata at kumain na sila. "Buti, walang masyadong nakapansin sa'yo!" Sabi ni Solar sakanya.

"I didn't know that they know me." Sabi niya kaya napairap si Solar. "Hello? Andami mo kayang famous magazines na na-cover! Tapos sasabihin mong hindi ka sikat?" Sabi ni Solar pero hindi siya pinansin ni Moon.

"How did you know that I covered different magazines?" Nakangisi niyang tanong sa dalaga.

Bigla akong namula at hindi alam kung anong isasagot pero dahil ayaw niyang tuluyang mapahiya ay sumagot siya. "S-syempre! Nakikita ko yung mga classmates kong may hawak din na magazines na ikaw ang cover. " Ngumisi lang si Moon at ipinagpatuloy ang pagkain niya.

Nagpatuloy sila sa pagkain ng walang interruption, Mukhang hindi na nila napapansin si Moon dahil busy na ring kumain ang iba. Nang matapos silang kumain ay pumunta si Solar sa counter para magpatulong na i-wrap ang mga ipapa-take out nila. Nag-unahan pa ang mga lalaking crew para tulungan siya kaya kumunot ang noo nito at napatingin kay Moon.

Nakita nitong nagsasalamin ang dalaga at tinitignan ang hitsura niya. She bit her lower lip kaya napaiwas ng tingin si Solar. Nang lumapit sa kanya ang dalawang crew ay lumapit na sila sa table nila. Habang nagwra-wrap ang dalawang crew ay nakamasid lang si Solar sa kanila. Napansin ni Solar si Moon na nagta-type sa phone niya.

"Saan pa tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. "Anywhere, It's still early." Pinakita niya sa akin ang orasan ng phone niya.

3:39 PM maaga pa nga, for sure boring parin sa mansion nila kapag ganitong oras. Nang matapos nilang i-wrap ang mga pagkain ay tinulungan pa nila ang mga dalaga na ilagay ang pagkain sa backseat ng kotse ni Moon. Kinuha ni Solar pa si Sun at Shine dahil hindi kasya ang mga pagkain sa backseat.

"You place that somewhere. It will block the view, baka mabangga tayo." Sabi ni Moon kaya ang ginawa ni Solar ay bumaba ng sasakyan at inayos ang mga pagkain para magkaroon ng space, pagkaayos niya ay inilapag nito si Shine at kinabitan ng seatbelt. Umupo siya ulit sa front seat at niyakap si Sun para hindi mahirapan si Moon.

"Are you okay?" Tanong ni Moon sakanya kaya tumango si Solar. "Malambot naman si Sun kaya komportable ako." Nakangiting sabi niya kay Moon.

Lihim na nangiti si Moon at lumapit kay Solar. Nagulat naman si Solar dahil akala niya ay hahalikan siya ni Moon pero nakaramdam siya ng pagkapahiya nang ikinabit lang pala ni Moon ang seatbelt niya. "Disappointed?" Nakangising tanong niya kay Solar pero umirap lang si Solar sakanya.

Lopez Series #1: Played By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon