No One's POVNapansin ni Moon na nakatulog na pala ang madaldal na kasama niya na ipinagpapasalamat niya. Kanina pa kasi ito kwento ng kwento.
Dadalhin kasi niya si Solar sa Enchanted Kingdom, bakit? Hindi rin niya alam. Basta kagabi ay pinagplanuhan niyang mabuti kung saan niya ipapasyal ito. Ang plano niya ay pagkatapos ng klase niya ito isasama, pero dahil nakansela ang klase nila ay pwede silang magpunta doon ng maaga.
Pagkapasok niya ng eskwelahan ay dumiretso siya agad sa personal room niya at doon nagpalit. Yes! May personal room siya doon na ipinasadya ng mommy niya, mahilig kasi siyang tumambay kapag walang ginagawa kaya sinabi niya na ipagawa siya ng personal room niya.
Nang makarating sila ay agad siyang nag-park sa parking lot at kinuha ang sling bag niya. Chineck niya kung naroon ang wallet at mga pang-retouch niya. Tinapik niya ng mahina si Solar para magising ito, nang gumalaw na si Solar ay kinuha na niya ang pulang lipstick sa bag niya at kinulayan ang labi niya.
Kinuha niya ang dalawang sumbrero at ibinigay kay Solar ang isa. Inabot naman iyon ni Solar.
"Nasaan ba tayo?" Tanong ni Solar
"E.K."maiksing sagot ni Moon at isinuot ang sumbrero at sunglasses niya.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ulit ni Solar
"To enjoy." Sagot ni Moon at bumaba na nang kotse, biglang na-excite si Solar kaya sinuot na din niya ang sumbrero at dali-daling bumaba ng sasakyan.
"Saan tayo unang pupunta?" Excited na tanong ni Solar sa kanya kaya napalingon sioon sa kanya.
"Saan mo ba gusto?" Tanong ni Moon sakanya, lumingon-lingon naman si Solar sa paligid.
**
Tawa ng tawa si Moon dahil sa mga reaksyon ni Solar nang sumakay sila ng roller coaster.
"Ano kaya pa?" Tanong ni Moon sakanya
"O-oo pero teka lang!" Sabi ni Solar na ikinatawa ni Moon.
Huminga ng malalim si Solar at umubo-ubo. Akala niya talaga ay mamamatay na siya pero si Moon ay tinatawanan lang siya. Pero enjoy naman! At tumatawa na si Moon, hindi nalang niya pinansin baka mawala bigla sa mood at mag-alsa balutan.
Umupo sila sa isang bench na nakita nila.
"Dito ka lang, may bibilhin lang ako." Sabi ni Moon at tumayo na.
Naiwan si Solar at napatingin-tingin sa paligid. Andami niyang nakikitang iba't-ibang booths and others. Hindi kasi siya nakakapunta sa School Festival nila dahil magtatrabaho nalang siya kesa magsaya para may maidagdag sa pera na panggastos nila araw-araw.
"Here." Iniabot niya kay Solar ang isang malaking cone na may ice cream kaya nginitian siya nito at nagpasalamat.
"May gusto ka pa bang sakyan?" Tanong ni Moon kay Solar pero umiling ito.
"Mamaya nalang muna, gusto kong maglibot-libot." Nakangiting sabi ni Solar.
"Bakit ba ang bait mo ngayon?" Tanong ni Solar kay Moon.
Nagkibit-balikat si Moon at humarap sakanya. "Hindi ko rin alam." Sagot niya at tumingin sa sapatos niya.
There was a moment of silence when Solar stood up. "At dahil mabait ka ngayon. Halika na! At susulitin ko pa yung araw!" Hinila niya patayo si Moon at nagsimula na silang maglibot sa buong lugar.
Hanggang sa napadpad sila sa isang stall. Dapat mabaril ang red circle na kasing laki ng limang pisong barya kung gaano karami ang nabaril mong red circle ay may katumbas na premyo.