Chapter 02

5.4K 143 0
                                    


Solar.

Napatingin ako sa orasan when the clock striked at 12, I heard Ms. Moon's footsteps. Paano ko nalaman? Sino bang mahilig pumunta ng bar? Tahimik akong naglakad papunta sa switch ng ilaw, akmang bubuksan na niya ang pinto nang bigla kong buksan ang ilaw.

"F*ck!" Gulat na sabi niya at inis na tumingin sa akin.

"Monday na kaya, maaga pa tayong papasok mamaya." Inirapan niya ako

"Pwede bang tigilan mo ako Solar? This is my life!" I smirked.

"We'll change your lifestyle kaya huwag mo akong artehan gusto mo bang tawagin ko yung mommy mo?" Umirap lang siya at bumalik sa kwarto niya kaya sinundan ko siya at kinuha ang kumot ng kwarto ko.

"Where are you going?" Masungit na tanong niya sa akin.

"Sasama ako sa'yo! Baka takasan mo na naman ako!" Sabi ko at nauna nang pumasok sa loob ng kwaryo niya. Naglatag ako ng kumot sa sahig at bumalik sa kwarto para kumuha ng unan.

Pagkabalik ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang nagtatanggal ng make up.

"Bakit ka ba palaging pumupuntang bar? Hindi ko maintindihan kayong mga mayayaman." Inosenteng tanong ko sakanya

"We go to bar to party and to have fun." Maikling sagot niya.

"Have fun? Pwede ka namang mag-enjoy nang hindi pumupunta sa bar ah?" Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Pwede ka namang pumunta sa mga magagandang lugar eh. Masuwerte ka nga kasi kahit kailan pwede kang pumunta. Ako? Hanggang doon lang sa may Rizal Park ang kaya kong puntahan" natawa ako sa sarili ko.

"You've never been to other places?" Umiling ako sa tanong niya. "Kaya nga nag-iipon ako para maipasyal ko yung nanay at kapatid ko." Nangiti ako sa naisip ko.

Nagpunta siya sa kama niya at nahiga, napansin kong nakatirintas ang buhok niya.

"Ibig sabihin kahit sa E.K. hindi kapa nakapunta?" Tanong niya

"E.K.?" Tanong ko sakanya

"Yup! Enchanted Kingdom." Sagot naman niya

"Maganda ba doon?" Tanong ko sakanya. Nakita ko siyang nangiti na lalong nagpaganda sakanya, namula ako bigla. Bakit ko ba naisip yon?

"Sobra! Lalo na kapag sumakay ka sa Ferris Wheel ng gabi? Makikita mo yung magandang view ng city lights." Napangiti ako, maganda nga siguro doon.

"Goodnight Ms. Moon!" Sabi ko at humikab bago natulog.









Moon.

Nang marinig ko ang sinabi ni Solar ay napatingin ako sakanya at mukhang nakatulog na siya, ang bilis naman. Ganon ba siya kapagod?

Pwede na akong tumakas? Bigla ulit akong napatingin sakanya bago inalis ang kumot ko at nilapitan siya, binuhat ko siya papunta sa kama ko.

Yup! Kaya ko siyang buhatin kahit ganito ang katawan ko, tingin niyo sa akin weak? I am a girl kaya tinuruan ako ni kuya ng iba't-ibang klase ng fighting skills and techniques. I've been through with different kinds of training dahil sa pamilya ko.

Our family is one of the most grossing company around the world. Namatay si dad dahil sa kagustuhan nilang pabagsakin ang kumpanya namin.

Kinumutan ko siya bago tumabi sa kanya at humiga. Tinitigan ko ang mukha niya. Mataas ang standards ko kapag babae ang usapan. Gusto ko yung parang ako na malakas ang dating at syempre may ipagmamalaki kapag physical appearance ang usapan.

Hinawi ko ang buhok niyang tumabing sa mukha niya. This innocent girl is making me crazy. Kakakilala ko palang sa kanya ay ginagawa na niyang hell ang buhay ko. Pinagbawalan niya akong gawin ang mga nakasanayan ko at isa iyon sa mga pinaka-ayaw ko, ang kinokontrol yung buhay ko.

Lopez Series #1: Played By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon