Tumambad kay Sarah ang dalawa. Nakaupo si Rayver sa desk nya at nakaharap si Cristine sa kanya, nakayakap siya sa leeg ni Rayver. "Hon?!" Mabilis na tumayo si Rayver. Inalis agad ni Cristine ang mga braso niya. Gulat na gulat silang dalawa.
Hindi nakayanan ni Sarah ang nasaksihan nya. Natigilan sya at hindi makapagsalita. Umaapaw ang galit nya sa dalawang ito, pero pinigilan nya ang sarili niya.
Nang papalapit si Rayver kay Sarah, tumalikod ito at nagmamadaling umalis. Hinabol siya ni Rayver. Sa hallway ng opisina, naabutan ni Rayver si Sarah at hinawakan ang braso nito. Napatigil si Sarah, at dahil sa sobrang galit niya dito, mabilis na dumapo ang kamay nya sa mukha ni Rayver. Malakas ang sampal na iyon ni Sarah.
"How dare you do this to me!!" Pilit na pinipigilan ni Sarah ang damdamin nya. "Sarah please let me explain. Pwede ba huwag tayo dito? Sa loob tayo magusap please." Nakita nilang dalawa na may mga nakatingin na sa kanilang mga ka-opisina ni Rayver.
"No Rayver. I will not let you explain. Enough na yung nakita ko kanina." Naiyak na ng tuluyan si Sarah. Tumalikod siya papalayo kay Rayver.
"Sarah please!" tawag ni Rayver. Humarap si Sarah sa kanya. "Huwag mo na akong sundan. Tapos na to." Mariing sagot niya kay Rayver. At tuluyan nang nakalayo si Sarah.
Naramdaman ni Rayver na may humawak sa braso nya "Ray. Hayaan mo na sya." Cristine said. Nakatingin pa rin ang mga ka-opisina ni Rayver sa kanya. Umiling si Rayver at bumalik sa loob ng opisina niya at sinara ang pinto.
Sumakay ng kotse niya si Sarah. "Gusto ko ng makalayo sa lugar na ito!" Lumabas siya ng parking. Nang makalagpas siya ng kaunti, pinark nya ang kotse sa isang open lot at pinatay ang makina. Nanginginig ang buo nyang katawan. Umiyak sya na parang wala ng bukas. "Bakit nagawa sakin ni Rayver to??" Paulit ulit nyang sambit sa sarili.
Nakaupo sa kama niya si Gerald. Kanina pa niya tinatawagan si Sarah, ngunit hindi ito sumasagot. "Kamusta na kaya siya?" tanong nito. Tumayo si Gerald para magpalit ng damit. Nagring ang cellphone niya. Dali-dali nyang kinuha ito. Si Fred na best friend niya ang tumatawag. "Bro! ano na nangyari sayo? bat di ka nagpaparamdam?" tanong ng kaibigan sa kanya. "Busy lang this past weeks. So ano basketball tayo ngayon?" "Tara tara!" Sagot ni Fred.
Nakatulala si Sarah sa kwarto nya habang nakahiga. Kanina pa tawag ng tawag at nagtetext sa kanya si Rayver. "Para ano pa? Wala ng dahilan para kausapin ko pa sya." Ipinaalam na rin niya sa kanyang mommy ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Rayver.
Nagring ang cellphone niya. Tinignan niya ito. Si Gerald ang tumatawag. Naisip nyang sagutin ang tawag nito. "Hello." Sagot ni Sarah. "Sarah. Kamusta ka na?" Hindi siya makasagot. "Sarah?" Pinigilan ni Sarah na huwag umiyak. Huminga sya ng malalim. Ikinuwento niya kay Gerald ang pangyayari kaninang umaga.
Ibinaba ni Gerald ang cellphone nya. "Bro ano? kanina pa tapos yang 5 mins rest mo!" sabi ni Fred. Nasa basketball court pa rin sila at nagpahinga lang sandali. May lungkot sa mga mata ni Gerald. "Fred, break na si Sarah and Rayver. Nahuli nya kanina mgkayakap si Rayver at yung Cristine." "Oh, di ba dapat masaya ka? Malaya na si Sarah. Pwedeng maging kayo na ulit. Bakit parang malungkot ka dyan?" tanong ni Fred.
"Naaawa ako sa kanya. Ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan niya. Si Sarah yung tipong hindi dapat dumadaan sa ganong heartache. Napakabuti nya para saktan lang ng ganon. " sagot ni Gerald. "So anong plano mo?" tanong ni Fred.
Tumayo si Gerald at kinuha ang bola kay Fred. "Hindi na ko makakapayag mapunta si Sarah kay Rayver ulit or kahit kanino pa man. Panahon na para bawiin ko sya."
"Para kay Sarah" Sambit ni Gerald sa sarili. Pinakawalan nya ang bola from the 3 point line. Shoot ang bola! Napangiti si Gerald.
BINABASA MO ANG
IKAW LANG ANG MAMAHALIN (ASHRALD)
Fanfictionan ASHRALD fanfiction. "Magkulang man satin itong sandali Alam ko na tayo'y magkikitang muli Hangga't may umaga pa na haharapin Ikaw Lang Ang Mamahalin" For SASA & GEGE: Never give up on love. Fight for love. I will always be your loyal supporter! A...