Chapter 8

6.1K 35 1
                                    

"Anak, nakailang tawag na si Gerald ah. Bakit di mo sya kinakausap" salubong sa kanya ng kanyang mommy Divine pagbaba nya mula sa kwarto."wala lng ma. May konting di pgkakaunawaan lng kme ni Gerald. Si Rayver po ba tumawag na?" sagot ni Sarah. "Walang tawag anak." sagot sa kanya ng ina.

"Nasaan ba itong Rayver na to? Kanina ko pa tinatawagan at tinetext ni hindi man lang sumagot!" sa loob ni Sarah. "Bakit anak may lakad ba kayo ni Rayver?" tanong ng ina. "Wala nman ma."

Pagkatapos ng pamilya ni Sarah mananghalian, umakyat ito sa study room at tinapos ang ginagawang plan. Sya ang inassign ng kanyang boss na mag-interior design sa isang bahay ng isa sa kanilang kliente. Nageenjoy si Sarah sa current project nya. Dahil ang bilin ng boss nya na sya ang bahala kung ano ang gusto nyang i-design. Walang ibinigay na specific plan ang may-ari. After an hour, kumatok ang daddy Delfin nya. "Sarah may delivery para syo."

Nagulat sya sa isang bouquet ng white roses dala dala ng kanyang daddy. Galing ito kay Gerald. Binasa nya ang card at may one liner message ito. "Please forgive me." Sarah slightly smiled. "Anak kanino galing yan? Alam ko hindi yan kay Rayver galing dahil hindi nman yon mahilig sa mga ganyang surpresa. Hindi ka pa ata nabigyan ng bulaklak non ano?" Pabirong sabi ng kanyang daddy.

Napangiti si Sarah. "Galing kay Gerald daddy." "Oh, nanliligaw ba sya ulit saiyo?" tanong ni daddy. "No dad! May misunderstanding lng kme ni Ge. Yun lang." sagot ni Sarah. "Minsan nga papuntahin mo ulit dito yon, tagal ko na ring di nakita. Sabihin mo mgchechess match kami ulit!" sambit ng ama. "Naku ikaw talaga dad! Nakailang match kayo ni Gerald dati eh hindi ka nman manalo sa knya"! Natatawang sagot ni Sarah.

Pagalis ng kanyang daddy sa study room, tinitigan ni Sarah ang mga bulaklak. Ang ganda ng mga iyon! Hindi nya alam kung ready na sya ulit kausapin o harapin si Gerald. Galit pa rin sya sa ginawa ng binata sa knya. Ngunit, naaawa na rin sya rito. Maraming beses na syang tinext at tinawagan ni Gerald ngunit hindi nya pinansin ito. Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalipas mula ng mangyari iyon.

Umattend si Gerald ng kasal ng isa nyang kaklase nung college. Sa simbahan,habang kinakasal ang kaibigan, si Sarah ang nasa isip ni Gerald. "Mas malaking wedding kaysa dito ang ibibigay ko kay Sarah." Sa loob nya. Nagdasal sya sa Diyos at hiniling na sana maging sila rin ni Sarah in the end. Na sana mahalin sya ulit. Gagawin nya ang lahat para mapasaya lang si Sarah. Hinding hindi nya ito sasaktan, pangako nya.

Sa Edsa Shangrila hotel ballroom ginanap ang reception. Masaya nyang pinapanood ang programa kasama ang mga dating kaklase. Maraming bisita, mukhang nasa 300 guests din.

Naglakad si Gerald papalabas para pumunta ng toilet. Napatingin sya sa isang sulok ng ballroom. Nakita nya ang isa sa mga babaeng abay na may kayapos na lalaki. Busying busy ang dalawa sa ginagawang haplosan, yakapan at halikan. "Parang pamilyar yung lalaki," sa loob ni Gerald. Tinitigan nya ng mabuti para makita ng husto ang lalaking iyon. Nagulat sya ng klarong makita ang mukha nito.

Si Rayver!

IKAW LANG ANG MAMAHALIN (ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon