“Sarah, nandiyan na si Gerald sa baba.” Tawag ng kanyang ate Shine. Lumabas ng banyo si Sarah. “Ano? Isang oras siyang maaga sa usapan namin. Sabihin mo sandali lng.”
“Okay lang daw. Take your time daw” Sigaw ni ate Shine.
Pagbaba ni Sarah sa hagdan, nakita niya si Gerald at daddy niya na naglalaro ng chess sa sala. Seryoso ang mga mukha nila at focus na focus sa laro. Hindi nila namalayan na nakalapit na si Sarah. “
Ang seseryoso ah!” Bungad ni Sarah. Tumingin sa kanya si Gerald at tumayo. Tinitigan ni Gerald si Sarah. “Bakit ba ang ganda ganda mo?” Sa loob ni Gerald.
Sarah is wearing an orange blouse tucked in her white skinny trouser, black high heeled sandals and her hair is neatly tied in a ponytail. She applied light make-up. Nakangiti lang si Gerald sa kanya.
“Oh! Tingin dito! Tignan mo tong magiging move ko!” Natatawang sambit ni daddy Delfin. “Po?” Sagot ni Gerald na nakatitig pa rin siya kay Sarah. At biglang nagmove si daddy Delfin, kinain nito ang bishop ni Gerald. “What? anong nangyari?” Tanong ni Gerald. Tawa ng tawa si daddy Delfin. “Ikaw kasi eh, nawala ang focus mo!”
Natuwa si Sarah sa nakikita niya. Kahit paano, magkasundo naman si Gerald at ang daddy niya.
“Dad, alis na kami, matraffic na eh. Nasan na si mommy?”
“Baka nagbibihis pa, teka tatawagin ko.” Sagot ni daddy Delfin.
“Oh Gerald. Ingatan mo mag-ina ko ha. Dahan dahan lang sa pagmaneho.” Bilin ni daddy Delfin.
“Oo naman po tito!” Sagot ni Gerald.
Papunta ng munisipyo sina Gerald, Sarah at mommy Divine para isubmit ang mga documents for marriage license. Pagabi na sila natapos sa pagasikaso ng kasal. Pagdating sa bahay nina Sarah, nagpaalam na rin agad si Gerald.
“Babe.” Sabi ni Gerald kay Sarah. “
Anong babe?” tanong ni Sarah.
“Pwede ba kitang tawaging babe?” Tumingin si Sarah kay Gerald.
“Babe? Di ba yun yung baboy sa movie?” Natawa sila pareho.
“Ah basta. Babe ang tawag ko sayo ha? Babe?” Napailing na lang si Sarah.
Nang papalabas na ng gate si Gerald. “Bukas nandito kami ng mga 6 pm ha.”
“Oo.” Sabi ni Sarah. Tumingin si Gerald kay Sarah.
“I can’t wait to start our lives together, Sarah.” And Gerald gently kissed her hand. He looked up and stared at her. His stare was burning with passion. Inilapit ni Gerald ang mukha niya kay Sarah, pero biglang umiwas si Sarah.
“Uhmmm Ge. Sorry..”
”Bakit? Ayaw mo?” Gerald asked.
“Kasi…ano…may gusto sana akong ipakiusap sa iyo.” Sarah was not looking at him.
“Ano yon?”
“Kung pwede lang sana, pag kinasal na tayo, ano…uhmmm..”
“Ano yon babe?” Gerald held Sarah’s face.
“Ano..yun alam mo na yun! Kung pwede lang sana huwag muna nating madaliin na gawin yon?”
Natigilan si Gerald. Nawala ang ngiti nito sa mukha. “Ayaw niyang magsiping kami?” Hindi makapagsalita si Gerald.
“I’m sorry Ge. Alam mo naman di ba na I’m still trying to build up our relationship lalo na sa part ko para sayo? I hope you will understand.” Sarah said holding Gerald’s hand.
BINABASA MO ANG
IKAW LANG ANG MAMAHALIN (ASHRALD)
Fanfictionan ASHRALD fanfiction. "Magkulang man satin itong sandali Alam ko na tayo'y magkikitang muli Hangga't may umaga pa na haharapin Ikaw Lang Ang Mamahalin" For SASA & GEGE: Never give up on love. Fight for love. I will always be your loyal supporter! A...