oh aking binibini

891 1 0
                                    

Pagsapit ng dilim
At nagliwanag ang mga bituin
Na parang ngiti mong nagniningning
Na hindi ko maiwasan tumingin

Isa kang alagad ng diyos na bumababa sa langit
Subalit kayang wasakin ang puso ng isang saglit
Hindi ko ba alam kung bakit sa mga ngiti mo ako ay nabighani

Ngayong nakakulong na sa iyong mundo
Ngayon ako'y iniwan mo
Mundo ko ay naglaho
kinadena mo kaluluwa ko sayo

Kaya san ka man pumunta dala dala mo ako
Nasasaktan ako sa mga sinabi mo
Pero ano ba magagawa ko
Isang hamak lang naman akong alagad mo

Isa kang binibini na hinahangaan ng marami
Kinatutuwa ng madami
At madaming umiibig sayong matitikas na lalaki
Pero ako nasa isang sulok lang pinagmamasdan ang iyong ngiti

Para kang isang papel na dinala ng hangin
Nawala bigla at bumalik sa langit
Ngayon ako ay nagdadasal at sana ibalik sakin kahit saglit
Kasi handa akong masaktan kahit pa ang salitang saglit ay panghabang buhay ko titiisin ang sakit.

Maikling Tula Para Sa'yo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon