Tiwala

39 0 0
                                    

Ang hirap na ulit magtiwala
Segundo lang pwede na ulit masira
Sa dami ng paraan para mawala
Kagaya ng mapaglarong tadhana

Mga laman ng aking pahina
Lungkot, galit at hiya
Parang tubig o kape sa isang tasa
Parehas pwedeng mapait ang lasa

Tama na yong umiyak ako sa harapan ng mga tao
Pagod na akong magtiwala sainyo
Ibibigay ko tapos sisirain ninyo
Kunwari wala pa kayong alam dito

Gusto ko ng tumalon sa bangin
O di kaya barilin ang sarili
Sumabit gamit ang tali
Uminom ng bawal na gamot para mawala na ang sarili

Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya
Para mapunan kayo ng saya
Pero bakit ganon parang nananadya
Ayaw ko na ulit magtiwala

Masakit na sobra ang dibdib ko
Dahil sa pinadama ninyo
Nakakatawa ba na makita nyo akong ganito?
Pero sa gitna ng lahat ng nangyari ipagdadasal ko parin kayo.

-marso 1, 2020-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maikling Tula Para Sa'yo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon