Ang mga alaala

54 0 0
                                    


O 'kay sarap alalahanin
Ang mga nakaraan natin
Ngiting tila'y napapraning
Sa tuwing aking aalalahanin

O bawat hiwa ng mga salita
Mula sa iyong bibig na ibinuga
Saakin mapait parang isang ampalaya
Pilit inilunok bawat mapait na letra

Pero dahil sa mga alaala
Na tayong dalawa magkasama
Nawawala lahat ng pait na sakin pinadama
Saya at harutan sa mga litratong pinagsama

O 'kay sakit at sarap sa pakiramdam
Tingin sakin ng karamihan
Isang martyr at tanga lamang
Hindi nila alam na ako'y tao nagmamahal lang

Ika'y hiling na binigay ng langit
Kaya hindi ko kayang ipagpalit
Kahit dyamante o ginto saki'y nakahain
Ikaw parin ang aking pipiliin

Isang dasal na hindi ko akalain
Na magpapasaya sakin
At magbibigay na sakit na hindi ko kayang tanggapin
Pero ito ako pinipilit padin

Alam kong alanganin
Pero bawat saglit ng alaala natin
Nagpapagaan ng mabigat na damdamin
Ikaw ay minahal at mamahalin parin.

-february 25 2020-

Maikling Tula Para Sa'yo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon