Sakit ng pagmamahal

79 0 0
                                    

Sa dami ng ating pinagsamahan
Ngayon ikaw ay lumisan
Puso ko na naman ay nadungisan
Mga yakap kong iyong iniwasan

Bawat luhang pagpatak sa lupa
Ay katumbas ng pagpatak ng ulan
Bawat salitang iyong binitawan na hindi ko malilimutan

Pinipilit kong kalimutan ang pait na dama
Pinipilit kong subukan na ika'y hindi maalala
Pinipilit kong tumuwa kahit nasasaktan na
Pinipilit kong tumayo kahit sugatan na

Sa bawat oras na ika'y naaalala
Gusto ko kumawala sa sariling kadena
Hindi ko magawang tulungan ang sariling paa
Sapagkat nasanay ang sarili na nandyan ka

Hanggang kailan pa ako pahihirapan
Hanggang kailan pa ako luluhod sa iyong harapan
Hanggang kailan pa ako magtitiis sa bakas ng nakaraan
Hanggang kailan pa ako mag-aantay sa ganda ng kinabukasan




Maikling Tula Para Sa'yo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon