❛ ZEUS ❜
❝Humangin ng pagkalakas-lakas na tila bagang uulan,
At ako'y hindi nga nagkamali, dahil ilang sandali lang ay nagsimula ng kumulog at kumidlat,
At pumatak na ang luha ng langit,
Ang luha mula sa kanyang mga mata na ipinababatid ng ulan sa akin.Sumabay sa pag-ulan ang pag-kidlat,
Na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin,
Na tila bang matagal nang may nawawala sa aking pagkatao,
Ngunit, hindi ko alam kung ano ba ito o sino ba ito?Lumakad ako papalabas ng aking sinisilungan,
Upang damhin ang lamig at bawat pagpatak ng ulan,
Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid,
Dinig ko ang bawat kidlat na nagbibigay ng kakaibang elektrisidad sa hangin,Ilang sandali pa'y akin nang minulat ang aking mga mata,
Lalong lumakas ang pag-ulan na masakit na ang bawat pagdampi nito sa aking katawan,
Maging ang pag-kidlat tila'y mas lalong naging malakas, mas lalong nangalit,
At ako'y nagulat sa isang pigura ng tao sa aking harapan,Siya'y katulad ko na basang basang mula sa ulan,
Diretso ang titig sa akin ng kanyang asul na mga mata,
Napansin kong kakaiba ang pagka-asul nito,
Tila kakulay ng mga ulap, napaka-ganda ng kanyang mga mata.Hindi ko alam kung ano ang nangyari ngunit, namalayan ko na lang na ako'y tuma-takbo papalapit sa lalaking diretso lang ang titig sa akin,
Kinagat niya ang kanyang labi, bago ko nakita ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata,
Malapit na ko sa kanya, 'di ko na pinansin ang masakit na pagtama ng ulan sa aking katawan o ang kakaibang temperaturang aking nadarama,
Ang tanging nais ko lang ay makasama ang lalaking ito, mayakap, mahagkan, at mamuhay kasama siya,
Tumulo ang luha sa aking mata ng sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap, kasabay ng pagtigil ng pag-kidlat at pag-bagyo ay ang muling paglapat ng kanyang labi sa aking labi.Matapos ang ilang taong pangungulila ko sa kanya,
Matapos ang ilang taong inaakala kong hindi siya totoo,
Na ang lungkot na hatid sa akin ng ulan ay hindi mula sa kanya, kung hindi bunga lamang ng aking imahinasyon,
Ay eto siya, sa aking harapan habang masuyong hina-haplos ang aking pisngi at naka-ngiting naka-tingin sa akin ay pinatunayan niyang totoo siya.Na siya nga ang matagal ko nang hinahanap,
Na siya ang lalaking aking iniibig,
Na siya ang lalaking matagal nang nag-hintay sa akin na maalala siya,
Sino siya? Siya ay si Zeus.❞_
Dont know kung fs ba to or spoken poetry hahaha, act siya ng fam ko, about amnesia ata. And ako naman, adik pa sa mga Greek Gods nun, tas kakatapos ko lang basahin yung How To Reform A Rake? Ni Miss AerithSage kaya nasa utak ko pa siya, tas ayan ang naisip kong gawin.
BINABASA MO ANG
Poetries (Pieces Of Words #1)
PoetryAs her pen bleeds, the pain in her heart vanished. _ COMPLETED. Cover : @hoexlut Banner : @aavocados Criticized : @thisisnxcxlx #StarAwards18k