ᴘᴀᴍɪʟʏᴀ

33 5 0
                                    

July 5, 2018

❛ PAMILYA

Ano nga ba ang pamilya?
Unang tanong na pumasok sa aking isipan

Sa aking reyalidad ang pamilya ay hindi buo
Ang aking pamilya ay punong-puno ng mga pagkukulang
---pagkukulang na siyang sumira sa aking pagkatao

Ngunit, dito, sa mundong hindi tunay
Ako'y nakahanap ng isang pamilyang kay tibay

Mga taong kay iingay at kay sasaya
O, napakasarap nilang kasana

May isang ina na kasing-ganda ng mga bituin
Napakarikit at nagniningning ang kanyang pagmamahal sa aming mga anak-anakan

May isang ama na kasing-bangis ng malawak na karagatan
Napakabangis pagdating sa pagdidisiplina at pamamalakad ng kanyang pamilya at malawak ang pagmamahal sa aming buong pamilya

Ang aking mga kapatid na kay gaganda't kay popogi
Na walang makakapantay sa pagiging maunawain

Ang kanilang mga tawa at mga asaran ay nakakatatak sa aking isipan
Na sa hindi ko malamang dahilan ay tila umabot sa aking pandinig

Eto ang aking pamilya sa mundong hindi totoo
Ngunit, sapat na sila upang ako'y hindi muna lumisan sa mundong ito.

Eto ang aking pamilya sa mundong hindi totooNgunit, sapat na sila upang ako'y hindi muna lumisan sa mundong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

_

Kakagawa ko lang din kanina hehe. Eto ay activity sa bago kong fam sa bago kong acc. Hope nagustuhan niyo yung ka-ek-ekan ko hahahaha. Btw, Drastiriótita means activity.

Poetries (Pieces Of Words #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon