❛ IKAW ❜
❝Ikaw,
Nag iisang ikaw,
Walang iba sa buhay ko kung 'di ikaw,
Walang ibang pag lalaaanan ng bawat oras at panahon ko, kung 'di ikaw,Walang ibang makakapantay sa'yo,
At walang ibang papalit sa'yo,
Nag iisa ka sa buhay ko,
Nag iisang tao na tanggap ako,Lahat ng drama ko sa buhay ko,
Ikaw lang ang tanging nakikinig--
Sa lahat ng kapritso ko,
Sa lahat ng reklamo ko,Kaya nga ang nag iisa mong kahilingan,
Aking gagawin upang ako'y makabawi man lang sa aking kasalanan,
Ang iyong kahilingan na laging nasa isip ko,
Maging dito sa puso ko,Ngiti ang hatid mo sa akin,
Na may kasamang luha sa tuwing ika'y lilisan sa aking tabi,
Ngunit, hindi n'yon mababago na ikaw lang ang nag iisang tao---
Na laging nasa aking tabi,Patawad, sa'yo, dahil ika'y iniwanan,
Alam kong ilang beses na akong humingi ng kapatawaran,
At ilang beses mo na akong pinatawad,
Ngunit hindi ako hihinto sa paghingi nitong kapatawaran mo,Ayokong mawala ka sa akin,
Takot akong mawala ka sa aking piling,
'Di ko ata kakayanin ang isang araw na 'di kita nakakamusta o nakakausap man lang,
Pagka't nag iisa ka lang.❞_
Eto din, 2017 ko pa to nigawa hahahahaha actually activity siya ng fam ko (yung family ko na kung saan na-infatuate ako sa kuya-kuyahan ko), nakalimutan ko na kung ano yung tema ng act na iyon, pero alam ko dedicated ang poem na to sa isa sa mga malalapit na tropa ko. Tanda ko pa ginawa ko yan para makabawi kase lumipat ako ng acc at muntik na silang iwanan dahil broken ako nun, hays, ang nakaraan talaga. Isang masalimuot, ngunit masayang bagay na mangyayari sa buhay mo. Charot hahahahaha puro hugot na naman akes.
BINABASA MO ANG
Poetries (Pieces Of Words #1)
PoesiaAs her pen bleeds, the pain in her heart vanished. _ COMPLETED. Cover : @hoexlut Banner : @aavocados Criticized : @thisisnxcxlx #StarAwards18k