ʜɪᴍᴀᴋᴀs

29 6 1
                                    

July 22, 2018

❛ HIMAKAS

Bakit ito ang iyong ibinungad sa aking pagdating?
Hindi mo na ba talaga kaya ang lahat ng pagsubok na darating?
Bakit ika'y sumuko?
Hindi mo na ba talaga kayang tiisin ang sakit sa isang sulok?

Sobra na ba ang sakit na iyong dinaranas?
Kaya't hindi ka na makapaghintay at iyong winakasan?
Ang mga tao sa iyong paligid ay puno ng pasakit at panghuhusga
Na kanilang ibini-bigay at idinadagdag sa iyong buhay

Bakit mo ito nagawa?
Ni sa hinagap, hindi ko inaasahan ang bagay na ito mula sa 'yo
Bakit pinili mong ikabit ang iyong sarili sa tali
Imbes na kayanin ang pagpapasakit?

Ako'y lubos na nanghihinayang para sa iyong buhay
Dahil ngayon ang iyong mukha ay puno ng lumbay
Ninais mo na ba talagang matulog na matigas na higaan?
Sapagkat ngayo'y tinakasan ka na ng hininga

Hindi ko mang masabi na tayo'y malapit sa isa't isa
Ngunit, ika'y naging parte na din ng aking buhay at lubos kong pinahahalagahan
Ni hindi kita kayang tingnan
Ni tumapak sa iyong kinahihigaan ay hindi ko magawa

Ang aking puso'y lubos na kumi-kirot
Sa kaalamang ang iyong mundo'y hindi na muling iikot
Hindi ko kayang tanggapin na ang iyong mga ngiting puno ng saya
Ngayo'y hindi ko na muling makikita

Ang tanging hiling ko lang sana'y matahimik ang iyong kaluluwa
Sa kabilang buhay ay hindi na sana dumanas muli ng kalupitan
Kalupitan ng mga taong tina-tawag mong pamilya
Ngunit, kahit kailan ay hindi ka inaruga

At sana sa iyong paglisan
Patawarin ka sana ng Diyos, dahil sa iyong kasalanan
At sana'y sa kabilang buhay ay hindi ka na masaktan
Pagka't alam kong pagod na pagod ka na sa pakikipag-laban

Paalam na sa 'yo
Paalam na sa iyong mga tawa't panunudyo
Hindi ko man nais ang iyong paglisan
Ngunit, alam kong kahit kailan ay hindi kita malilimutan

Sana sa iyong muling pagkabuhay ay hindi mo na maranas ang pait
Ang mga pagmamahal na kanilang ipinagkait
Sa bawat bagay na aking masdan ay may nagpapa-alala
Na minsa'y may nakilala akong kagaya mong ka-mahal-mahal.

Sana sa iyong muling pagkabuhay ay hindi mo na maranas ang paitAng mga pagmamahal na kanilang ipinagkaitSa bawat bagay na aking masdan ay may nagpapa-alalaNa minsa'y may nakilala akong kagaya mong ka-mahal-mahal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

_

This is dedicated to my cousin.. I'll miss you.

Poetries (Pieces Of Words #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon