❛ KULANG ❜
❝Mahal, ano nga ba tayo?
O meron nga bang tayo?
'Di ako sigurado sa ating relasyon,
Na tila pabago bago,
Dahil sa ugali mong lulubog at lilitaw,
Totoo nga kayang ako'y iyong sinisinta?
O ako lamang ay isa sa mga babae mong natipuhan?
Natipuhan upang ako'y saktan at paglaruan,
Natipuhan upang gawing pampalipas oras,
Natipuhan upang gawing panakip butas,
Mahal, binigay ko sayo ang lahat,
Binigay ko ang lahat-lahat,
Ngunit, 'di pa ba sapat lahat ng 'yun?
Hindi pa ba ako sapat para sayo?
Mahal, wala akong tinira sa sarili ko dahil sayo,
Ni katiting na pagmamahal wala akong tinira para sayo,
Pero, 'di pa rin pala sapat lahat ng 'yun para sayo,
Wala pa din pala akong halaga para sayo,
Wala pa din pala akong lugar d'yan sa puso mo,
Maging d'yan sa buhay mo,
Wala pa rin pala ako sayo.❞_
Eto din gawa ko pa wayback 2017 ulit, actually eto ginawa ko kase nasa may heartbreak situation pa akes nun, and ayan puro hugot tuloy ang ate niyo hahahahaha.
BINABASA MO ANG
Poetries (Pieces Of Words #1)
PoesíaAs her pen bleeds, the pain in her heart vanished. _ COMPLETED. Cover : @hoexlut Banner : @aavocados Criticized : @thisisnxcxlx #StarAwards18k