Chapter V : The Reason Why (Part2)

89 21 0
                                    

Note : This chapter is unedited.

Serenity

Sinamahan ako ni Lesly patungo sa Guidance Office, masama lahat ang tingin ng bawat estudyateng madaanan namin. Natatakot talaga ako. Ngayong lang ako may nakaaway at may masaktan. Sana maging okay lang si Miya.

Parang gubat naming binaybay ito Guidance Office dahil sa dami ng puno. Nakapag ayos na ako ng sarili ko ng marating ang bunganga ng building. Nanginginig ako. Firstime kong mapunta sa Guidance Office. Sana hindi na ito mangyari ulit.

Sa hindi kalayuan, sa may bandang pathway. Natanaw ko ng malapitan ang pulang aso or fox na sinasabi ko at, napagtanto kong hindi naman pala siya aso or fox isa siya Werewolf pulang Werewolf.

Mabilis din itong naglaho nang mapapikit ako ng ilang segundo dahil kumirot ang likod ko.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa pintong nasa harap ko. Kasama kong pumasok si Lesly dahil kasama siya sa insidente. Para akong isang mamatay tao na hahatulan ng kaparusahan noong nagsimula akong titigan ng matandang babae na nakaupo sa Counselor's table habang papaupo sa kaliwang bahagi ng upuan. Siya siguro ang Guidance Counselor.

Nasa tapat namin ni Lesly si Ms. Santos at yung kasamang babae ni Miya kanina. Tumingin ng matalalim saakin ang babae at napa yuko nalamang ako habang si Lesly ay nakipag titigan pa rito.

Ilang sandali pa ay nag salita na ang Guidance Councelor.

"Maghintay muna tayo ng ilang minuto bago magsimula. Gusto kong hintayin ang nakaaway mo upang marinig ang mga panig ninyo," malamig na sambit nito na nakapag pataas ng balahibo ko.

Im nervous, Im really really nerovous. Hindi ko alam kung ano mangyayari mamaya.

"By the way, Kamusta na si Ms. Gonzalo?" baling na tanong ng Guidance Counselor kay Ms. Santos.

"She's okay now, Madame. Nagkaroon lamang siya ng konting galos at injurie sa kanyang kanang kamay. Mabuti nalamang at hindi napuruhan ang kanyang ulo at hindi nag karoon Brain Damage." magalang na sagot ni Ms. Santos.

Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay walang nanyaring masama kay Miya.

Napaka respetado at ka galang-galang ng matandang babae na ito. Takot ang lahat sa kanya. Takot lahat ng mga estudyante sa kanya. Kaya walang sino mang estudyante dito sa loob ng SHU. ang pinangarap na makapasok sa Guidance Office.

"Itong babae nato ang may dahilan ng ng lahat e!" pairap na usal.

Na guguilty ako sa ginawa ko. Sana hindi ko nalang tinulak si Miya. Totoo yung sinabi niya na ako ang may kasalanan ng lahat kung hindi ako nakatingin kay Lesly noon ay hindi ko mababanga si Miya at hindi kami hahantong sa ganito.

"Excuse me? Sino nag sabi sayo na magsalita ka ng walang pahintulot? Kung maaari ay itikom mo yang bunganga mo dahil walang kumakausap sayo!" seryoso at malamig na sambit ng matandang babae habang nakatingin sa babaeng kasama ni Miya kanina.

Yumuko nalang ito at namula, kitang kita sa mukha nito ang pagkapahiya.

Sobrang nakakatakot, pati ako ay hindi ko maiwasang kabahan. Hays! Ano ba kasi itong nagawa ko.

Vampires Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon