Note: This chapter is unedited.
Serenity
10 Minutes left bago mag simula ang third subject namin which is Earth and Life, Nagulantang talaga yung utak namin ni Lesly sa mga nangyari kanina.
Tumingin ako kay Lesly habang patungo sa entrance ng building, nasa second floor ang next subject namin ngayon. Mukhang medyo naka recover na siya sa mga nangyare, samantalang ako eto in-shocked parin. Biruin mo naman kase, yung taong pinagu-usapan ninyo eh nasa tabi mo lang pala, at ang matindi pa don, ka boses siya nung lalaki sa panaginip ko na humahalay saakin.
Mapapa what the fridge ka talaga! Sobrang curios na talaga ako sa kanya. Sino ba siya? Taga saan? Nag-aaral ba siya dito? Kung ganon bakit hindi siya naka proper uniform? Ang dami kong tanong sa utak ko at dahil yun sa Black Sweater Guy nayon. Napaka mysterious! Alam ko na curiosity kills pero wag naman sana ako dalhin ng curiosity ko doonn.
After a while, tinap ni lesly yung balikat ko, "hey, bes. Is that Drew?" sambit niya saka siya tumuro sa isang direksyon.
Sumunod naman yung tingin ko sa direksyong itinuro niya, may isang guy mula sa groundfloor ng building na papalabas. Hindi ko pa man nakikita ng malapitan alam kong si Drew yon, sa postura pa lang ng mga matitipuno niya katawan at sa lakad alam na alam kong siya iyon.
"Siya nga," sagot ko ng may ngiti sa labi.
Nang tuluyang makalabas ay agad itong SINIGAWAN ni Lesly, "Drew!" at kumaway-kaway,
Ngumiti si Drew naging dahilan ito ng pagkawala ng mata niya. Patakbong lumapit ito saamin na medyo naghahabol pa ng hininga.
"Hi Lesly, Hi, Serena! Long time no see! Namiss ko kayo!" sambit nito at ngumiti ng pag katamis tamis.
Grabe! ang laki ng pinagbago niya, mas naging fit yung katawan niya ngayon kaysa dati at mas kuminis din yung balat niya, tumangkad din siya at lalong naging cute! Namiss ko siya ng supeeeer!
"Wait." takang usal ni Lesly saka lumapit kay Drew.
Bigla nalang ako natawa sa ginawa niya. Hinawakan niya yung muscle ni Drew na animo'y iniinspeksiyon, pinagtapat niya pa yung balat nila para tignan kung mag kakulay. Pi-nat niya rin yung buhok ni Drew. haha baliw talaga to.
"Hm, Fit Body check, labanos Skin check, new hair cut check! Overall its a yes! You can marry me now," pabirong usal ni Lesly na naging dahilan ng pag hagikgik ni Drew.
Grabe siya! Ang cute! Nawawala nanaman yung mga mata niya.
"Haha! Hindi ka pa rin nagbabago Lesly," tawa nito saka ginulo ang buhok ni Lesly.
Tumawa lang din si Lesly. He's so cute i swear! Sarap pisilin ng mga pisngi!
"Uy! Drew! I miss you, ang laki ng pinagbago mo ah? Sigurado ako na mas lalong dadami yung mga admirer mo." ngiting sambit ko kay Drew, namula lang siya matapos kong sabahin sa kaniya iyon. Ano ba yan, Pwede ko ba siyang paglihian pag nabuntis ako? Ang cute niya eh.
"Thank you crush!" ngumiti ito sa akin dahilan para mawala nanaman ang chinito niyang mga mata. Hindi ko alam pero parang namula ako. Siniko lang ako ni Lesly na animoy kinikilig.
BINABASA MO ANG
Vampires Love [Unedited]
DiversosAre you the chosen one who destined to be his prey? Let's find out.