Chapter 1

6.5K 54 6
                                    

Phillip's POV

"Beep!Beep!Beep!" Huni ng nakakairitang alarm clock ko. 

Nakalimutan ko nanamang ioff ang alarm clock ko kagabi. Its 5 am pa lang ng umaga and besides wala akong rason para gumising ng umaga dahil summer naman ngayon kaya walang pasok ng dalawang buwan. 

Hindi naman boring yung summer ko. Kasi may wifi naman kami tas may pc and cp ako and of course may maraming foods naman sa bahay namin kaya chill life lang diba. Hindi nako dinalaw ng antok ko kaya nag open muna ako ng aking facebook.

 Nung nasa kalagitnaan nako ng pagsoscroll ng aking newsfeeds parang may naramdaman akong may nakatingin sakin.

 Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo at nabalot ng lamig ang aking kwarto. Tinignan ko ang paligid ng aking kwarto ko baka nakapasok yung pusa namin or may daga lang na nagsitakbuhan at biglang may nakaagaw ng atensyon ko. 

Nung tumingin ako sa bintana may nakita akong itim na parang anino at hindi ko man lang makita ung kanyang mukha o kanyang mga kamay. Yung pwesto niya ay parang nakaharap sakin na tila minamasdan niya ako mula sa malayo. Nung papalapit na ako sa bintana para makilatis ng buo yung kanyang itsura biglang nagsound yung messenger ko at napalundag ako ng wala sa oras.

 " Tangina naman oh! Parang dito pa ako mamamatay sa sound ng messenger hindi sa anino sa labas." Binaling ko ulit yung tingin ko sa labas pero wala na yung anino. Hinayaan ko na lang at baka guni-guni ko lang yun kasi kakagising ko pa lang. 

Nakita ko sa notif na nagmessage pala yung bestfiend kong si John. Ang aga-aga ng gagambala ng tao. Actually hindi naman niya ako ginambala kasi espesyal naman siya sakin eh. Yung feeling na bestfriend mo siya pero unti-unti ka ng nafall sa kanya pero hindi mo maamin kasi baka masira yung pagkakaibigan niyo. 

Ano ba tong nasa isip ko. Agad ko namang binuksan ang message niya sakin. 

" Tol! nagkaayaan pala ang barkada na pupunta tayo ng sementeryo at ilibing kadaw namen ng buhay 😂😂." His chat. 

"Tangna! kung ililibing niyo ako dapat sumama ka sa akin dahil diba hanggang kamatayan sasamahan moko 😂❤." reply ko. " Tangna mo! Hahahahahah." reply niya. 

"Itulog mo na lang yan imbes na manira ka ng araw ng bagong gising." Reply ko. " Hahhaha seryoso na aayain ko sana kayo ng barkada na magkikita-kita mamaya para pagplanohan natin ang gala nating magkakasama. Isa pa matagal na yung last gala nating magtotropa" reply niya. 

"Oo nga namiss ko din na magkasama sama tayong lahat." reply ko.

" Oo naman. Promise matutuloy nato at nga pala sa starbucks raw tayo magkikita 10 am ha at sana di kana malate." chat niya.

" Ako malalate? Syempre naman para mamaintain ko din yung record kong late from first day of school ng Grade 7 hanggang mag senior high sa pasukan" sabi ko. 

" Loko ka talaga! Sige na maghanda ka na diyan kase may papakilala ako sayo" chat niya. " Oh sino naman yan?" reply ko. 

Mga ilang minuto akong naghintay pero hindi na siya nagreply. Active 5 mins. ago na pala. 

Mga 10 pa pala kami magkikita kaya nag facebook muna ako at nakita kong nagpost pala si john ng 04/23/18 tapos may ❤💕 kaya inistalk ko siya. Nung nakita ko yung bio niya napawi lahat ng saya sa aking itsura. 

bigla akong nalungkot, lungkot na mistulang naramdaman kong totoo kasi tumutulo na ang patak ng mga luha saking mga mata. Mga luha na nagsiunahang humulog sa aking cellphone. 

Nakalagay " Shea's ❤💕💖 04/23/18 💖" At bakit ko to naranasan? Totoo pala yung feelings ko sa kanya. Totoo pala na mahal ko siya. 

Lalake siya lalake rin ako tanggap ko na hindi kami para sa isat-isa. 

Pipilitin ko na lang itong limutan kahit masakit. 

Baka siya nga ang ipapakilala niya sa sakin

#Bigo

#BiFeels

Past [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon