Chapter 19

1.2K 15 0
                                    

Phillip's POV

Malamig ang simoy ng hangin pero ba sang basa na ako sa sarili kong pawis. Dahil ito sa kaba na nararamdaman ko ngayun. " Makinig kayo sa aking kwento upang maliwanagan na ang mga bagay na bumabagabag sa mga isip nyo" sabi ni Angelo na nasa katawan ni Shea. Nakaupo kami ngayun sa sahig na nakatali ang mga paa at kamay. Si Cathy naman wala paring malay kaya nag aalala nako sa kanya. " Uy Ryle, bakit wala paring malay si Cathy?" tanong ko. " Hindi ko rin alam" sabi niya.

" Dalian monang pagkwento para matapos nato lahat at para mamatay narin tong mga batang to. Wala naman silang silbi eh mga salot sa lipunan" sabi ni Demo.

 Nagsimula na si Angelo na magkwento. "Naging masaya ako sa ginagawa ko noon dahil natutulungan ko kayong matuto saka napamahal narin ako sa aking ginagawa. Makita ko lang kayong masaya at nageenjoy solve na isang araw ko. Hinabaan ko yung pasensya ko kasi alam kong bata kayo kaya nasa nature nyo na ang pagiging makulit. Pero merong pangyayari na kailanman hindi ko malilimutan sa buhay ko. Isang ordinaryon araw bitbit ko yung gas na inutos sakin ng Principal para sa generator kasi blackout nung time na yun."

"Alam ko na kasalanan to ng Principal kaya to nasunog hindi to kasalanan namin!" sabi ni Ryle. "Tumahimik ka muna dyan kung hindi puputulin ko yung dila mo!" sabi naman ni Demo. Kaya pinatuloy na ni Angelo ang pagkekwento.

" Wala pa yung generator kasi kinuha pa nung janitor sa may storage kaya iniwan ko muna ito sa likuran ng classroom naten. Habang busy tayo kakakanta at kakasayaw ng nursery rhymes biglang nag ring ang phone ko. At nakita kong galing ito sa aking nanay kaya nagpaalam muna ako sa inyo na sasagutin ko muna yung phone. Dahil sa kakulangan ng signal lumayo-layo ako sa classroom natin. Nung nasagot kona nagulat ako dahil hindi si nanay yung sumagot. Ito ay Pulis dahil nasabi niya na PO2 officer raw sya. "Kayo ho ba yung anak nina Mr. And Mrs. Tan? Ito po pala si Officer Cruz and I'm sorry we lost both of them in a tragic accident" sabi ng officer. 

Parang pinagsakloban ako ng langit at lupa. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko parang nagecho ang lahat ng sinabi ng officer.

   " Sir, hindi pwede yan. Sir wag mong sabihin yan. Please Sir hindi pa patay mga magulang ko. Wag nyo to gawin sken. Hindi pa sila patay!!!! " nagsimulang tumula ang sangkatutak na mga luha mula saking mga mata.  Hindi ko alam ang gagawin ko parang gumuho na ang aking buhay. Hindi ko tanggap to hindi to maari. Hindi ko kayang harapin ang panibagong araw na wala na sila mama at papa. " Sir, I'm sorry for your lost they are now in the Funerary Parlor sorry again sir we can't do about it" sabi ng Officer. " Sige ssir I will be there" utal na utal kong sabi habang basang basa na ako sa sarili kong luha.

   "Ahhhhhhh!!! May Sunog!!!!!!" sigaw na narinig ko. Dali dali kong pumasok sa classroom kung saan nakita ko kayo na nagpapanic kaya kinuha ko kayo isa-isa para makalabas pero huli na ang lahat hindi kayu lahat nakalabas ng buhay. At higit sa lahat hindi nako nakalabas ng buhay kaya niyakap ko na lang yung 5 bata na naiwan kasi natupok na ng apoy ang buong paaralan. Naawa ako sa kanila. Naramdaman ko yung bawat sakit at hapdi ng apoy na rumaratay sa aking mga balat. Tanggap ko narin na hanggang dito na lang buhay ko. Baka nagawa ko na ang mission ko. Kaya ayun lahat namatay ako saka hindi ko alam kung bakit nahuli ka Demo hindi ko sinasadya.

Dapat ako ang parusahan mo hindi sila. O di kaya yung taong nag akusa sayo" sabi ni Angelo.

" At ako naman magpapatuloy ng kwento kapatid" sabi ni Demo. " Nagpunta ako sa paaralan na tinuturuan mo kambal para ipaalam na wala na ang tatay at nanay. Pero iba ang nadatnan ko nakita ko na nasusunog na ang paaralan at nilapitan ako ng mga autoridad at saka hinuli. Sabi nila ako raw ang may kasalanan bakit nasunog ito. Dinepensahan ko yung sarili ko pero sabi nila na sa presinto raw na lang ako magpapaliwanag. Hindi ko alam kung ano na nangyayari kaya natulala na lang ako sa habang  tinatanong ako ng mga pulis sa presinto.

Natrauma ako sa lahat ng pangyayari to the point na hindi nako nagsasalita at lagi akong tulala. May mas malala pa nangyari sakin sa kulungan. Binugbog, pinagpyestahan ang pagkain and worst nirarape nila ako. Lalaki nirarape? Yeah uso yun sa bilanguan. Kaya pinagplanuhan ko lahat na maghihiganti sa lahat ng may kasalanan sakin at saking kapatid. Kaya pagkalabas ko sa kulungan pinatay ko kaagad yung Principal sa paaralan saka sinunod ko yung mga estudyante mo kambal. Para maisaayos ko ang plano ko humanap ako ng mga kakampi na sabik rin sa paghihiganti.

Tinulungan ko silang maghiganti kaya tinulungan rin nila ako. Natatag ko ng maayos yung kulto namin. Nagsanib pwersa na rin ako sa mga demonyo at kayo yung huling iaalay ko para ako na ang pinakamapangyarihang tao sa buong mundo" sabi ni Demo.

" Hindi pwede yan!" sigaw ni Angelo saka tinutukan niya ng baril si Demo. At sinubukan ko namang alisin ang mga nakatali sa kamay ko ganun rin ang mga kasamahan ko. "Ano papatayin mo na lang ako kambal? Dapat nga magpasalamat ka sakin eh kasi tinulungan kitang maghiganti" sabi ni Demo. " Hindi ko kailanman hinangad na maghiganti Demo. Tanggap ko na kung ano nangyari sakin kaya pakawalan mo na yung mga bata maawa ka." sabi ni Angelo. "Kung hindi mo ko susuportahan Angelo mas mabuting mamatay ka na lang ulit!" sabi ni Demo.

Habang naguusap sila nakuha ko na yung mga nakatali saken kaya tinulungan ko na yung iba kong mga kasamahan. " Uy John tulungan na kita" sabi ko.

" Kala niyo makakaalis kayo ditong buhay?" sabi ni Demo at ang narinig ko lang ay putok ng baril. Hindi ko namalayan na nabaril na pala si John. Nanlaki ang mata ko saka tumutulo na ang maraming dugo sa kanyang katawan. Kaya binuhat ko siya at tumakbo papalayo pero nakarinig naman ako ng putok ng baril at nasa likod ko ay si Samantha. " Bilis umalis na kayo dito" sabi niya. Hindi ko dapat aaksayahin ang pagkakataong to binuhis niya ang kanyang buhay para lang masagip kami. Kaya yung iba nagsitakbuhan narin papalabas at ang huli kong kita si Angelo at Demo ay nagaagawan sa baril.

" John please wag mokong iwan. Mahal na mahal kita. " sabi ko habang umiiyak. " Sorry Phillip, always remember that I love you too" sabi niya at pinikit na niya ang mga mata niya. " JOOOHHHHNNNNNNNNN!!!!!!! fckkkkkkk I cant live without you gumising kana! pleaasseeeee" sumisigaw na ako at tumutulo na ang sangkatutak kong mga luha. Hindi pwede to! Hindi ko to tanggap! " Alam kong masakit pero dapat nating tanggapin Phillip" sabi ni King. "Hindi nyo alam ang nararamdaman ko ngayon!" sabi ko at tumakbo ako palayo sa kanila pero hinabol ako ni Ryle.

" Ano ba Phillip wag kang selfish alam kong masakit to pero dapat matapos na natin to! Tignan mo wala paring malay si Cathy. Sunugin natin ang buong lugar para mapatay na yung Demonyong yun!" sabi ni Ryle. Oo nga dapat kung ipaghigante ang lahat na buhay na kinuha niya. Dapat akong lumaban dahil hindi pa tapos ang laban.





  

Past [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon