Chapter 11 "Knowing The Truth"

1.5K 21 0
                                    

Cathy's POV

Nakita ko sila John at Phillip na tumatakbo at sumisigaw pero hindi ko madinig kung ano yung sinisigaw nila. Kaya lumapit ako sa kanila at " Tumakbo na kayo at umalis na tayo rito!" sigaw nila. Nasindak ako sa nakita ko kasi si Tito Demo ay hinahabol sila at may dala itong baril. Nataranta nako at hindi ko alam ang gagawin ko. 

Dito na lang kaya ang hangganan ng aming mga buhay? Pero may pag-asa pa. Tumakbo ako papunta kela John at tinulungan ko sila. "Tara bilis andun yung kotse at dala ko na rin yung susi" sabi ko. Narinig ko yung mga putok ng baril sa likod namin. 

Parang may mga anghel na sinasangga yung mga bala para hindi kami matamaan. Sa wakas anditu na kami sa kotse. Binuksan ko yung van at pinauna ko si Phillip saka si John at biglang may bala na dumampi sa kotse.

 Akala ko sa kotse pagkakita ko may umaagos na mga dugo saking paa. Thank God paa ko lang yung tinamaan. 

Hindi ako susuko pinaglaban nga ni mama ko yung pag anak sakin kaya dapat mabuhay ako. Pumasok nako at saka pinaandar ang kotse. 

Nakita ko si Tito Demo na parang demonyo. Parang galit na galit siya samen. 

"May nagawa ba tayu?" tanong ko. "Bilisan mong paandarin saka kekwento ko lahat sa inyo." sabi ni John. Pinaandar ko ng mabilis yung kotse kasi takot na takot ako baka sundan pa kami ni Demo. "Teka gamutin naten muna mga sugat niyo" sabi naman ni Phillip. "Guys!" naluluha kong sabi. "Bakit?" sabi ni John. "Naiwan naten sila King at Cyra" sabi ko na tumutulo ang luha. "Balikan naten bilis!" sabi ni Phillip 

"Wag delikado na baka maubos pa tayo dun!" sabi naman ni John. "Alam mo ang selfish mo! Palibhasa sarili mo lang iniisip mo wala kang pake kung may ibang nasasaktan" sabi ni Phillip. "Ano ako? Selfish? Naisip niyo ba na kayo yung una kong pinuntahan kase plano nung demonyong yun na patayin tayo lahat! Saka wala na si Shea. Ansakit-sakit mawalan kaya hindi ko kaya na pati kayo mawala sakin" sabi ni John. Saka niyakap siya ni Phillip. "Sorry Bro, kung ganito yung trato ko sayo. Naging cold ako kasi aaminin ko nainggit ako sa inyo" sabi ni Phillip. Ngumiti naman si John sa kanya. " Siraulo " sabi ni John saka ginulo niya yung buhok ni Phillip. 

"aahhhh" sigaw ko. Hindi kona matiis yung sakit ng sugat ko. Umaagos na ang mga dugo mula sa paa ko. "Itabi mo muna yung kotse Cathy saka gamutin naten sugat mo" sabi ni Phillip. "Humingi narin tayu ng tulong sa mga kabahayan ditu" sabi naman ni John. Hininto ko yung kotse malapit sa playground at kinuha naman ni Phillip yung first aid kit saka nilagyan niya ng Alcohol sugat ko. "AAHHHHH!! ang sakit dahan dahanin mo naman!" sabi ko.

"Mukhang ang swerte mo Cathy ah. Anditu yung bala sa may bakal ng kotse oh at may konting dugo mo pa" sabi ni John na nakatawa. "Anong swerte dun? Ansakit sakit kaya!" maluha luha kong sabi. "Deserve mo yan" sabi naman ni Phillip habang nilalagyan niyako ng bandage. "Bahala nga kayo" nung natapos na kinuha ko yung paa ko at lumayo sa kanila.

Pumunta ako sa swing na paika-ika at umupo nako dito. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kela King at Cyra. Natatandaan ko lang na hindi kona sila nakita pagkatapos kung tulungan sila John at Phillip. Sana nakatakas din sila at sana ligtas sila kung san man sila ngayon. 

Lumapit sila Phillip at John sakin. "Alam niyo napapanaginipan ko yung playground nato. At merong mga naglalarong bata saka ang alam ko isa ako dun" sabi ni Phillip. "Hindi kaya ito yung playground na nilalaruan naten nung mga bata pa tayu?" sabi ni John. "Oo tanda ko pa yun na magkaklase tayu saka nawalay tayu sa isat-isa dahil sa isang trahedya" sabi ko. "Anong trahedya?" tanong ni Phillip. "Sasabihin kona sa inyo lahat kung ano nangyari samin ni Shea saka kung bakit ganun ang galit satin ni Demo" sabi ni John. Marami akong tanong sa aking isip. Umaasa ako na masagot niya yun.

Past [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon