Chapter 20

1.3K 15 1
                                    

Ryle's POV

Tinatahak namin ngayon ang gubat na napakalawak at ang natatanging ilaw lang namin ay ang sinag ng buwan. Hinahanap namin ang bawat camera na nakakabit sa lugar. Hindi namin kaya na may mamamatay pa samin kahit isa. Pinatay niya si John at Samantha kaya ipaghihiganti namin sila.

Sana napatay na ni Angelo yung kasindak sindak na si Demo. Kasi para sakin hindi kailanmang hinangad ni Angelo na gawin ang mga ganitong bagay and the worst is ang pumatay. Hindi siya sang ayon sa lahat ng ginawa ng kanyang demonyong kambal na si Demo.

" Pano na ngayon? Ano na gagawin natin?" pag aalalang tanong ni Cyra na ngayon ay hinahabol ang sariling paghinga dulot ng pagtatakbo namin.

"Lumapit kayo dito guys may plano ako. Pupunta tayo ngayon sa storage house na pinuntahan namin kanina. Marami dun mga kagamitang kakailanganin natin. Saka itatry nating maghanap ng tulong kaya maghiwalay tayo sa dalawang grupo. King at Cyra kayo bahala kay Cathy saka Phillip sumama ka sken" bakas sa aking mga mukha na may pag-asa kaya nilakasan ko na ang loob ko.

" Sana hindi tayo pumalpak. At sana makakaalis na tayo sa bangungot na to" bakas ang lungkot sa tono ni Phillip. Hindi ko aakalaing may feelings pala sila ni John sa isa't-isa. Pero nakakalungkot lang isipin na ang taong mahal mo ay hindi mo na makikita, mayayakap at mahahalikan ulit. Kaya habang nabubuhay pa tayo sabihin natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano sila kaimportante satin at mahal na mahal natin sila bago mahuli pa ang lahat.       


Alam kong mahirap ang sitwasyon ni Phillip kasi nangyari din ito sakin. Nung nawala si Cyra sakin ay parang nawalan na ng saysay ang buhay ko. At ngayon na nakita ko siya na may kasamang iba parang sinasagasaan ng 10 wheeler truck yung puso ko. Pero ganyan talaga ang life eh it will not go the way we planned . 

Baka may dadating pang tao na mamahalin ka ng sobra sobra. Yung kayang ibalik yung pagmamahal na binigay mo. Yung the feeling is mutual. Basta ganun.

Habang tinatahak namin ang madilim na gubat may naririnig akong ingay. Na para bang umiiyak na hindi ko maexplain.

" Phillip narinig mo yun?" bakas saking mga mukha ang pagtataka. " Tara sundan natin ang tunog" sagot naman niya na may halong kaba sa kanyang mga boses.

Hindi kami makapaniwala sa aming nakita. Sinusunog si Cathy habang nakatali siya sa isang puno habang napapaligiran ng mga apoy  pero wala pa rin siyang malay saka hindi niya kasama sina King at Cyra. Tatakbo na sana si Phillip papunta dun pero pinigilan ko siya. Bakas sa aming mukha ang takot at kaba.

Alam kong ganun ang mabuting paraan na gawin ko ngayun. "Phillip mag isip ka. Kung pupuntahan natin si Cathy pati tayo susunugin rin. Kaya ang mabuting gawin ngayun ay bilisan natin puntahan yung storage room para may laban tayo sa kanila" pagdadahilan ko.

" Tangina naman oh! Kaibigan namin yun! Marami kaming pinagsamahan. Kung hindi ka susunod sakin bahala ka sa buhay mo!" Hindi ko na siya napigilan kasi bigla siyang tumakbo papunta sa kung saan si Cathy. 

Nang paalis nako sana ng biglang may nakapa ako sa bulsa ko. Isang pistol! Ambait talaga ni Lord. Hindi niya parin ako nakakalimutan. Kaya nagdasal muna ako bago pumunta sa kinaroroonan nila Phillip.

Tumakbo ako habang pinagbabaril ang bawat tao na aking nakikita ang kanilang mga itsura ay prang mga taong grasa. "Phillip maghanap ka ng paraan para mapatay mo yung apoy!" sigaw ko. 

Cyra's POV

It was a big mistake. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba ang sarili ko matapos naming iwan si Cathy habang kinukuha siya ng mga taong grasa. Selfish na ba kami? Kasi inuna namin ang sarili namin kesa sa kanya. 

Past [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon