18

2.6K 15 1
                                    

"PANGAKO"

Mahal, naaalala mo pa ba yung unang araw nang tayo'y nagkakilala
Naaalala mo pa ba yung unang araw na ako'y iyong kinamusta
Yung araw na walang kasiguraduhan kung tayo'y seryoso ba
Yung araw na tayo'y padalos dalos pa
Kasi ako mahal, alalang alala ko pa
Na tila ay parang kahapon lamang nang tayo'y nagkakilala
At ako'y mapapangiti na lamang sa tuwing aking maalala
Ang araw na tayo ay unang nagkakilala
Mahal, asahan mong kamay mo'y aking hahawakan
Sa ating paglalakbay patungo sa dulo ng walang hanggan
Asahan mong ikaw ay aking pang iingatan
At hinding hindi bibitawan
Wala akong maisip na dahilan
Upang ikaw ay aking iwan
Mahal, sana ako'y iyong pagpasensyahan
Kung minsan hindi ko maiwasan na ikaw ay masaktan
Nais kong itatak mo sa isip at puso mo
Na ikaw ay mahal na mahal ko
Mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko
Handa akong isakripisyo ang buhay ko para lamang sayo, mahal ko
Sa lahat ng pangako ko sayo
Asahan mong ang pangakong hindi ko pag iwan sayo, ay ang pangakong hindi mapapako
Maaaring walang kasiguraduhan pa
Kung tayo nga ba talaga ang itinadhana
Pero sisiguraduhin ko
Na ikaw at ako, tayo na hanggang dulo

-

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon