24

2.1K 17 4
                                    

"Chat"

Nagsimula ang lahat sa isang Hi.
Nagulat ako nang ito'y iyong i-seen at may lumabas na tatlong tuldok na tumatalon. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman.

Ika'y sumagot ng Hello?
Halos tumalon ako sa sobrang saya.
Hindi ko inaasahan na sasagot ka saakin.
Nag-madali akong mag-tipa ng aking sunod na sasabihin.

Ako'y kinabahan ng sobra kaya ang tanging nasabi ko ay, kamusta? Muli, ika'y sumagot ng napakabilis.
At ito'y nasundan pa ng mga tanungan.

Lumipas ang mga araw at tayo'y lubos na nag-kakilala.
Nahihiya kapang ibahagi ang iyong mga sikreto.
Ngunit sa huli ay nasabi mo rin ito.

Hindi ko namamalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sayo.
Sa una'y binaliwala ko lang ang nararamdaman ko sayo.

Lumipas ang ilang buwan at tayo'y naging mag-kaibigan.
Mag-kaibigan sa chat.
Hindi tayo nag-papansinan sa personal
Hanggang sa ika'y biglang lumapit at ako'y iyong kinausap.

Hindi ko napapansin na tumatakbo ang oras.
Hindi ko napapansin ang mga nangyayari dahil
Ikaw lang ang tangi kong napapansin.

Tayo'y patuloy na nag-uusap kahit tayo'y magkalayo.

Hindi ko mawari ang nangyayari saakin
Maaring nababaliw ako dahil bigla akong tatawa tuwing maaalala kita. Natatawa ako tuwing kausap kita kahit wala ka sa piling ko.
Binubuo mo ang araw ko.

Hindi ko namalayan na nahulog na ako sayo.
Parabang ako'y mnahulog sa isang napaka lalim na butas at hindi makaahon. Oo, umaamin na ako.
Nahulog na nga ako sayo.

Ngunit dumating ang araw na sumira sa mga magagandang ala-ala na binigay mo saakin. Ang araw na iyon ay nang-malaman ko na meron kanag iba.

Alam kong wala akong karapatang magalit o magselos dahil walang tayo. Ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili.

Idinaan ko nalamang ito sa pag-iyak
Pag-iyak na dahilan kung bakit basa ang aking unan
Pag-iyak na dahilan kung bakit namumula ang aking mga mata.
At ang pag-iyak na iyon ay dahil sayo.
Ako ay nag-chat sayo ngunit hindi ka sumasagot.
Kaya ako ay gumawa ng desisyon.
At ang desisyong iyon ay ang kalimutan ka at hindi kana kakausapin Alam kong mahirap ngunit kakayanin ko.

Ako ay nag-chat muli sayo.
Ang chat na iyon ay ang huling salita na sinabi ko sayo.
Iyon ay ang, Salamat sa lahat.

Salamat dahil pinasaya mo ako
Salamat dahil nandiyan ka para saakin
Salamat dahil binigyang kulay mo ang buhay ko

Salamat rin sa mga luhang nasayang dahil sayo.
Salamat dahil ginawa mo akong malakas.
Salamat sa mga sakit at kirot na narama ko.

Salamat

...

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon