"Sana"

14.6K 196 12
                                    

"SANA"

Mahal, Sana mahal mo talaga ako‎
sana totoo yung nararamdaman mo at pinapakita mo
Sana totoong mahal mo pa din talaga ako
Kasi ako mahal? Totoo
Totoong totoo.
Totoo ang lahat ng ipinapakita ko sayo
Totoo ang mga pinangako sayo
Totoo ang pag ibig na nadarama para sayo
Pero ikaw ano?
Totoo ba lahat ng ito?
Totoo ba lahat ng pinapakita mo?
Kasi mahal masakit!
Masakit makitang unti unti kang nagbabago
Masakit na kapag ika'y tinatanong ko ang sagot mo lang ay oo
Masakit na sa tuwing kasama kita iba na ang trato mo
Mahal may tanong ako.
Minahal mo ba talaga ako?
Tinanong kita ng paulit ulit pero ikaw ay nagalit at ako'y iniwan na ang damdamin ay sumasakit ng paulit ulit. Mahal, Ako pa ba?
Ako pa ba ang laman niyan mahal?
Sana ako pa.
Sana ako lang.
Sana ako parin.
Oo nalaman kong wala kang bago at ako'y masaya dahil ako padin.
Pero magagawa ko pa bang magsaya kung malalaman ko na ako'y iyong pansamantalang saya lamang? ‎
Sabi mo "mahal, mahal kita at iyan ang pakatandaan mo"
Pero nang ika'y tanungin ko anong binigkas mo
"mahal, ika'y mahal ko dahil ikaw ang aking nakita upang mahalin" Mahal, Paano kung wala ako?
Paano kung hindi mo ako nakita at nakilala?
May bubugso parin kayang pagmamahal dyan sa puso mo?
Kaya mahal kung ika'y tatanungin ulit at iyon padin ang iyong isasagot? Ayoko ng marinig yan muli galing sayo. Kaya mahal sana, sana sa susunod na itatanong ko ito, saya na ang maramdaman ko at hindi na pait at sakit.
Kasi mahal, mahal kita pero hindi na ako masaya.

•••

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon