'Matatamis na salita'

747 0 0
                                    

''

Matatamis na salita galing sa inyong bibig,labis na ako'y napaniwala,
Matatamis na salita na labis ako'y umasa.
Mahal?
tama na,
dahil ako'y labis na nasasaktan sa mga salitang iyong binibitiwan,
ang masarap pakinggan ang mga pangakong iyong binitiwan sa aking harapan.
Yung pangako mong ako lang,
ako lang ang mamahalin hanggang dulo.
Umasa ako,
umasa ako sa pangakong binitawan mo.
Mahal ano na?
asan na yung pangakong parihas nating binuo.
Mahirap isipin na hanggang salita lang ang mga sinabi mo.
Sinabi mo na 'Ako lang ang mamahalin mo'
'Ikaw at ako lng hanggang dulo'
matamis na salitang binitawan mo na parang wala lang sayo pero mahal, nasasaktan ako.
Labis na ako'y nadurog sa salitang iyong binitiwan sa harap ko
'Patawad,Hanggang dito na Lang tayo"
Salitang labis na nag pagguho ng mundo ko.
Siguro nga tama sila,
tama sila sa mga sinasabi nila na nagiging tanga ako sa isang taong pinaglaruan lang ang damdamin ko.
Masama bang umasa?
masama bang mahalin ang isang taong labis na nag bigay ng saglit na kasiyahan?
OO NA! masama na..
Pero alam kung Pinaasa nya lang ako,Pero alam kung hindi masamang umasa sa taong Paglalaruan lang ang feelings ko.



|••••••••|

HAPPY VALENTINE'S EVERYONE!❤

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon