25

2.2K 14 1
                                    

"Pagsuko"

Pagsuko
Ito ang laging laman ng aking isipan
Minsan naiisip ko tama pabang bumangon o lumaban
Sa bawat araw na dumadaan
Kung ang bawat araw na nalalampasan ay walang pinatutunguhan

Bakit?
Paano?
Ano?
Sino?
Mga tanong sa magulong isipan
Mga tanong na di ko alam kung paano masusulusyunan
Mga tanong na di alam kung saan makukuha ang kasagutan

Tama pabang lumaban?
Tama pabang bumangon?
Tama pabang hanapin ang solusyon
Tama pabang iahon ang sarili sa pagkakabaon
Tama pabang mabuhay sa mundo kung ang nakapaligid sayo ang tingin wala kang kwentang tao
Tama paba? O sadyang mali na

Hindi mo na alam kung ano ang tama at mali
Hindi mo narin alam kung paano itama ang mali
Sa bawat kilos mo hindi mo na alam kung ano ba ang tama at mali
Dahil ang isipan mo ay sarado
Subukan mong buksan to
Baka sakaling maliwanagan ka sa mga tanong na tumatakbo sa isipan mo
Sarado na ang isipan sa mga kaibigan na gusto lang naman magbigay ng payo
Gusto lang nilang sabihin sayo na tama ang tumatakbo sa isipan mo

Tama pang lumaban
Tama pang bumangon
Tama pang hanapin ang solusyon
Tama pang ang sarili ay iahon
Tama pang mabuhay sa mundo dahil isa ka rin namang tao
Tao na nasasaktan
Tao na may nararamdaman
Tao na may pinagdadaanan
Tandaan mo lahat ng tao ganto
Hindi lang ikaw ang nag iisa
Wag mong isipin na nag iisa ka
Dahil sa lahat ng oras may makakasama ka
Sa lahat ng oras may katulong ka
Hindi ako
Hindi rin sila
Hindi man kami ang makatulong sayo
Walang iba kundi ang sarili mo
Tandaan mo tama lahat ng nasa isipan mo
Wag mong intindihin ang sinasabi ng ibang tao
Wag mong isipin ang mga panghuhusga nila sayo
Ang isipin mo may diyos na gagabay sayo
Itatak isipan mo

-

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon