Kabanata 3
Nandito ako sa department store. Mauubos na rin kasi yung supplies ko sa unit. Habang nagbabayad. Nakita ko yung yaya ni Ayi sa kabilang counter.
"Excuse me, kayo po yung nag-aalaga kay Ayi hindi ba?"
She just looked at me pero agad din siyang umiwas. She grab her bag then after ko mabayaran yung sakin eh agad akong tumakbo para habulin siya.
"Wait lang po, May gusto lang po ako malaman"
"Sandali lang po"
Patuloy siya sa pag-iwas.
"Please po...Bakit po ba hindi ako maalala ni Ayi?"
Saglit siyang huminto "Ikaw lang ang naglakas-loob na kausapin si Ayi"
"Gusto ko po sana siyang maging kaibigan, pero bakit hindi niya po ako naaalala"
"Sumunod ka sakin" Naglakad siya at pumasok kami sa isang coffee shop. Nag-order ako ng coffee para sa aming dalawa.
"May sakit si Ayi" Yaya said as she sip her coffee.
"Po?" sakit? Ano? anong sakit?
"May cancer sa pag-iisip si Ayi, kaya naman apektado ang memorya niya. Yun ang dahilan kung bakit hindi ka niya naalala. Kawawang bata" She cracked her voice "Sa murang edad ay nakaranas siya ng ganitong klase ng sakit"
"Nasaan po ang parents niya?"
"Matagal nang patay ang daddy niya na tulad niyang may cancer na siyang pinagmanahan niya nito. Yung mom niya, nasiraan ng bait sa sitwasyon ng anak niya at pagkamatay ng asawa nito. Mabuti na lang at unica hija siya kaya ang buong atensyon namin ay nasa kanya"
"Kayo na lang po pala ang nag-aalaga sa kanya?"
"Ano pa nga ba? Di ko maiwan-iwan yung batang yun. Siguro dahul tinuring ko na siyang parang tunay ko na ring anak. Mahirap siyang alagaan dahil sa sitwasyon niya, ngayon kilala ka niya, mamaya hindi na. pero sa kabila ng lahat, nangingibabaw sakin yung awa lalo na sa mga panahong magwawala siya dahil sa sakit na nararamdaman niya. Mabait naman yung batang yun, malambing at masayahin."
After namin makapag-usap. Umalis na si Yaya. Habang naglalakad pauwi sa unit ko. Naalala ko yung sinabi nung Yaya ni Ayi.
"Hindi ba't kaibigan ka niya. Isa lang ang hihilingin ko sayo. Hijo, wag na wag mo siyang bibigyan ng problema. Sa bawat sandaling makakasama ka niya, lagi mo siyang pasasayahin. Takot siya sa lahat, sa mga bagay-bagay sa paligid niya. Aalalayan mo rin siya. Sa edad kong ito, hindi habang buhay ko siyang maalagaan. Lalo akong mangangamba kung maiiwan siyang mag-isa."
BINABASA MO ANG
Bubbles (Short Story)
Short StoryMay isang tao sa buhay ko ang hindi ko pwedeng kalimutan. Ang babaeng nagturo sa'kin ng pag-ibig na walang kapantay. Pag-ibig na walang hinihintay na kapalit. Pag-ibig na hindi matatapos sa dulo ng panahon. Pag-ibig na nagsimula sa simpleng bula.