Andrea's POV
"Nagseselos?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko nagawang itago ang ngiti sa labi ko.
"Oo, nagseselos ako dahil sa akin dapat sila lumapit at hindi sayo." Nawala naman kaagad ang ngiti ko sa sagot niya.
"Halika na. Magdinner tayo." Sabi niya at hinila ako palabas ng park. Sumakay kami sa kotse at pinatakbo ito. Tumigil kami sa isang fast food restaurant. Jollibee?
"Wag mong sabihing hindi ka kumakain sa Jollibee." Sabi ni Jonathan nang makita ang ekspresyon sa mukha ko. Hindi na ako sumagot at hinila na niya ako papasok sa restaurant.
"Humanap ka ng table, ako na ang mag-oorder." Sabi niya kaya tumango ako. Agad naman akong nakahanap ng table katabi ng table ng couples. Umupo ako doon at hinintay si Jona.
'Di ka nga napagod kagabi eh. Grabe, dalawang beses yun. Hingal na hingal nga ako, eh.'
Ano ba talaga ang nangyari kagabi? Di kaya, may milagro kaming ginawa? Hindi naman masakit yung balakang ko kanina at wala namang dugo sa bed sheets ko. For Pete's sake, virgin pa ako!
Agad namang dumating si Jona. Ngumiti muna ako sa kaniya at ngumiti din siya pabalik sa akin. Inilagay na niya yung order niya sa mesa. Pagkaupo niya, agad ko siyang tinanong.
"Ano ba talaga ang nangyari kagabi?" Tanong ko.
"Di ba naikuwento ko na yan sayo?" Sabi naman niya.
"Di ko magets eh. Lalo na doon sa part na dalawang beses nating ginawa tapos hingal na hingal ka." Sabi ko. Napatingin naman siya.
"Diba ginawa ko na yan sayo?" Sabi niya ulit.
"Hinalikan mo lang ako. Wala akong naintindihan doon." Sabi ko at agad namilog ang mga mata ko.
Flashback
"This will be my first time, pero noon ko pa ito gustong gawin. I just want to prove that I really love you." Sabi ko at hinalikan si Phillip.
End of flashback
"Ikaw ba yung tinawag kong Phillip kagabi?" I asked and he nodded. My God! Akala ko panaginip lang iyon. Napafacepalm na lang ako.
"Don't worry girl. Nag-enjoy naman ako." Sabi ni Jona habang patuloy pa rin sa pagkain. Agad ko naman siyang binatukan.
"At talagang in-enjoy mo no!" Sabi ko. Nagsmile lang siya tsaka nagpeace sign.
"Masarap eh." Sabi niya kaya napa-facepalm ulit ako. May baon din palang kamanyakan ang bading na ito. Nagsimula na lang akong kumain at binalewala ang nangyari.
"Grabe, ang dami kong fan girls noon girl. Minsan kapag pumapasok ako sa school, tumitili sila. Tapos, ang iba naman ay sobrang clingy. Parang mga linta kung dumikit." Patuloy pa din si Jona sa pagkukwento.
"Tapos, may isang girl na nagconfess sa akin. Naku teh! Halos umiyak na siya dahil di ko pa din pinansin. Tapos hanggang ngayon, baliw na baliw pa rin siya sa akin." Sabi niya at tumawa. Inilibot ko naman ang paningin ko.
"Naku! May isa pa ateng, nung hinawakan niya ako, di na daw niya ako pakakawalan. Parang shunga lang ano. Grabe yung karanasan ko nung highschool, nadala ko talaga hanggang college."
Napako ang paningin ko sa isang tao. Nasa labas siya at busy sa cellphone.
"Tapos nakilala ko si Mark. Dun kasi ako laging nagpapa-parlor. Action-star nga ang katawan niya eh pang drama naman ang kilos niya."
Am I hallucinating? Is that really him?
"And then, may naging boyfriend din ako. Grabe, akala ko talaga mahal nila ako pero pineperahan lang pala nila. Ang sakit talagang maloko."
"Phillip." Tawag ng babae sa lalaking tinitingnan ko. So it's really him. Lumapit ang babae at hinalikan ang pisngi nito. Abot tenga naman ang ngiti ni Phillip.
"Hey, nakikinig ka ba?" Tanong ni Jona.
"Jona, I-I have to go." Sabi ko at lumabas sa restaurant.
"Wait! Sisteret!" Rinig kong sigaw ni Jona pero hindi ko siya pinansin. Hinanap ng mata ko si Phillip at nakita ko naman ito kaagad.
"Phillip!" Sigaw ko. Pero sumakay na siya sa sasakyan niya kasama ang babae at pinatakbo ito. Hindi ako namamalik mata. Buhay pa siya! May pag-asa pa!
"Sisteret! Sino ba yung hinahabol mo?" Tanong sa akin ni Jona. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.
Buhay siya, buhay siya. Ibig sabihin, niloko lang ako ni Tita at ni Tamara. Pero, buhay siya at masaya sa piling ng iba. Siguro ito na ang tinutukoy ni Gilbert.
'Marami kang hindi alam.'
Patuloy pa din sa pag-agos ang mga luha sa mata ko. Pinunasan ko naman sila gamit ang palad ko. Naramdaman ko naman ang yakap ni Jona. It felt comforting, somehow.
"Let's go home." Bulong niya sa tenga ko kaya tumango na lamang ako.
Naglakad na kami papunta sa sasakyan namin at bubuksan ko na sa ito nang tumili si Jona.
"Oh?" Tanong ko at nakita ko namang abot-tenga ang ngiti niya.
"May hunk." Sabi niya at tinuro ito. Napatango na lang ako at tuluyan nang pumasok sa kotse. Pumasok na din siya at sinamaan ako ng tingin.
"Bakit?" Tanong ko at nagpout lang siya.
"Akitin mo naman para sa akin, please!" Nagpuppy face pa siya at pinagdikit ang dalawang palad. Umiling na lang ako at nginitian siya. Inirapan na lang niya ako at nagdrive na.
***
"Kailangan mo talagang pumasok ngayon?" Tanong niya kaya tumango lang ako. Two days din akong absent. Nagpout lang siya.
Bumaba na ako ng sasakyan at bumaba din siya. Napansin kong masama ang tingin niya sa akin.
"Bakit?" Tanong ko. Nilapitan naman niya ako at ipinulupot ang kaniyang kamay sa aking bewang. Hindi naman ito matatawag na PDA kasi nasa basement kami.
"Walang good bye kiss?" Tanong niya, agad naman akong ngumisi.
"Wala." Sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa bewang ko. Nagpout ulit siya. Then, he lifted my chin up at saka ako hinalikan ng pasmack sa labi. Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Ngumisi lang siya at bumalik sa sasakyan. Then, he drove off.
Agad kong kinalimutan ang nangyari at pumunta sa office ko.
"Good morning Myra." Sabi ko sa aking sekretarya.
"Good morning ma'am!" Bati niya din sa akin.
Pumasok na ako sa office at tiningnan ang view. Still, very breath taking. Naistorbo ang pagmuni muni ko sa isang katok.
"Yes?" Sabi ko.
"May bisita po." Sabi ni Myra. Tumango lang ako bilang senyas na papasukin ang bisita. Pumasok naman kaagad ang isang lalaking nakashades at nakamask.
Pagpasok niya, sinenyasan ko si Myra na isarado ang pinto. Isa isa namang tinanggal ng lalaki ang kaniyang shades at mask. At nagulat ako dahil sa nakita.
"Phillip?"
Is this real? The man, I thought was dead, is really alive and he's standing right in front of me.
"Yes, it's me, babe."
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Gay
RomanceDahil sa nangyari sa nakaraan, Andrea doubts that her heart would beat for someone again. Then she met Jonathan, isang bakla na nagpapanggap na lalaki sa harap ng parents niya. At dahil sadyang mapaglaro ang tadhana, silang dalawa ay itinakdang ipak...