Andrea's POV
"We are now arrving. Please fasten your seatbelts." Sabi ng steward sa loob ng airplane na sinasakyan ko.
Bumuntong hininga ako. Isang taon na ang lumipas simula noong hiniwalay kami ng parents namin. Nagtrabaho ako sa America, ginawa ko ang gusto ng mga magulang ko. This time, ako naman ang masusunod.
Narito na ako sa Pilipinas. Gusto ko nang makita si Jona. I miss him so much. Ngayong nagawa ko na ang task na ibinigay sa akin ng parents ko, makikipagkita na ako sa kaniya.
"Welcome to Philippines." Muling sabi ng steward. Kinuha ko na ang aking luggage. Binuksan na rin ang pinto kaya lumabas na ang ibang pasahero.
"This is it." Bulong ko sa aking sarili habang pinapanood ang mga pasaherong naglalakad papunta sa exit.
Naglakad na din ako papunta doon at lumabas na din. At last, narito na ako. Bumaba ako sa hagdan na naroon at naglakad papunta sa waiting area.
Pagdating doon, nakita ko si Manong Guard na lagi kong nginingitian at binabati noon. Lumapit ako sa kaniya at nagmano.
"Pinapasundo ka po ni Maam at Sir." Sabi niya.
"Sige po manong." Sabi ko.
Naglakad kami ni manong papunta sa sasakyan. Sumakay kami at ipinatakbo ito papunta sa bahay. Pagdating doon, bumaba ako at naglakad papasok.
"Mom, Dad!" Tawag ko sa kanila. I miss them too.
"Andrea." Nakangiting sabi ni Mom. Ngumiti din ako sa kaniya.
"I miss you honey." Sabi ni Dad. Ngumiti lang din ako sa kaniya. "So, how's the business?"
"Ikaw talaga," sabi ni Mom at hinampas si Dad ng magazine." Business agad nasa utak mo."
"Aray naman." Sabi ni Dad habang hinihilot ang braso niyang hinampas ni Mom.
"So, nagkaboyfriend ka ba doon?" Tanong naman ni Mom. Umiling lang ako bilang sagot.
"Naku naman, unica iha ka namin, bigyan mo naman kami ng apo." Sabi ni Dad. Well, it's their fault. Kung hindi nila ako inilayo kay Jona for sure, magkaka-apo sila ngayon.
"Oo nga anak. Don't tell me mahal mo pa rin ang bading na yon." Sabi naman ni Mom. Tumango lang ako bilang sagot. Bakas ang lungkot sa mukha ko.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nila. Nagkatinginan sila at tumingin ulit sa akin.
"Gusto mo ba siyang makita?" Tanong ni Mom. Tumango ako at ngumiti.
"Maaari mo na siyang puntahan." Sabi ni Dad kaya niyakap ko silang dalawa.
"Thank you Mom. Thank you Dad." Sabi ko at naramdaman kong tumulo ang luha ko dahil sa saya.
Pumunta ako sa parking lot. Sumakay ako sa kotse ko at pinatakbo ito papunta sa bahay namin noon ni Jona. Jona, I'm coming. Di ko mapigilan ang luha na tumulo sa mata ko. Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Saya, kaba, at excitement.
Pagdating ko doon sa gate, bumaba ako sa sasakyan at nagdoor bell. Pinahiran ko ang aking mga luha. Para akong tanga dahil umiiyak na nga ako, nakangiti pa.
Binuksan ng isang babae ang pinto. Maganda siya, maganda ang hubog ng katawan niya at makinis at maputi ang balat niya.
"Ano po kailangan niyo?" Tanong niya sa akin.
"Nandiyan ba si Jonathan, ako po kasi ang fiancee niya." Sabi ko at ngumiti. Kumunot-naman ang noo ng babae.
"Wala siyang sinabing may fiancee siya." Sabi niya kaya nagulat ako.
"Ano ka ba niya?" Mahinahon kong tanong.
"Girlfriend niya ako." Sabi ng babae kaya namilog ang mata ko.
Tumulo na naman ang luha ko. So, may bago na pala siya, at babae pa. Nagpakatanga na naman ako. Nakakatangang magmahal.
I thought he won't let go. I thought, hindi niya ako bibitawan. Pero, hindi ko namamalayang ako na lang pala ang kumakapit. Napakasakit. Ginawa ko lahat para makita siyang muli. Pero heto, girlfriend niya pa ang nakilala ko.
"Babes!" Narinig ko ang boses ni Jona mula sa loob. Lalaking lalaki na ito.
"Uh, aalis na ako. Wag mong sabihin kay Jona na nandito ako." Sabi ko at nagmadaling pumasok sa sasakyan at pinaharurot ito.
He chose his own destiny and that is to be with that girl. Pinahiran ko ulit ang mga luhang tumutulo sa mata ko.
Hindi ko mapigilang maalala ang mga sinabi niya sa akin noon.
"I won't let you go because if I do, I know I can't get you back." Sabi niya sa akin noong nasa beach kami.
"Jona, you said you won't let go, pero bakit ako na lang ang kumakapit dito? Siya na ba ang pinili mong destiny? Sabi mo, we're going to face the challenges together pero bakit iniwan mo ako?"
Para akong tangang nakikipag usap sa sarili ko. Laging tinatanong kung bakit. Bakit ganito kapait ang buhay pag-ibig ko.
***
A/N: Walang scene sa America.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Gay
Lãng mạnDahil sa nangyari sa nakaraan, Andrea doubts that her heart would beat for someone again. Then she met Jonathan, isang bakla na nagpapanggap na lalaki sa harap ng parents niya. At dahil sadyang mapaglaro ang tadhana, silang dalawa ay itinakdang ipak...