Andrea's POV
Minulat ko ang mga mata ko. Nasaan ako? Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Napatingin ako sa damit ko. Suot ko pa rin ang black fitted off shoulder dress. Mabuti naman at walang nangyari sa akin.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Masakit pa rin ang ulo ko. Siguro dahil ito sa hangover. Hinilot ko ang sentido ko at tumayo. Kinuha ko ang heels ko na nasa sahig na pala.
Lumabas ako mula sa kwarto at nakita ko si Gilbert na nakaupo sa sofa.
"Gilbert? Anong nangyari? Nasaan ako? Bakit dito mo ako dinala? Ikaw ba yung bumuhat sa akin kahapon?" Sunod sunod kong tanong. Itinaas niya naman ang kamay niya.
"Isa isa lang. Nalasing ka kahapon kaya binuhat kita at dinala dito sa condo ko. Di ko kasi alam ang address mo eh." Sabi niya sabay kamot sa ulo. Ngumiti na lang ako.
"Thank you." Sabi ko. Bakit nga ba ako nalasing? Dahil uminom ako. Bakit ako uminom? Dahil gusto kong kalimutan muna ang problema ko. Ano nga ba ang problema ko? Nakita kong naghalikan si Jona at Claire. It's the most painful thing I've ever seen.
Tumulo na naman ang luha ko matapos kong mag-Q and A sa sarili ko. Pinahiran ko naman ito. Lumapit naman si Gilbert sa akin.
"Wag ka nang umiyak. Yan kasi eh, sana ako na lang ang pinili mo. Napakacheater naman pala ng Jona na yun." Napatingin ako sa kaniya.
"Pano mo nalaman?" I asked. Naguguluhan kasi ako.
"You accidentally said it while sleeping." He said. "Sana ako na lang ang pinili mo. Hindi ka na dadanas ng ganito. Sana ako na lang."
Naawa tuloy ako sa kaniya. Pero mahal ko si Jona. I need him more than anyone else. Pinahiran ko ang mga luha ko at tumingin kay Gilbert.
"Don't worry, makikita mo rin ang babaeng magmamahal sayo." Sabi ko at ngumiti naman siya. Nagpahatid ako sa kaniya papunta sa bahay namin ni Jona.
I think there's an explanation behind that kiss. And anyway, I'm ready to forgive him. Sino ba naman ako para magtanim ng galit sa taong mahal ko?
Nagpaalam na ako kay Gilbert nang dumating ako sa bahay. This is it, I want to hear his explanation. Pumasok ako sa loob at nakita kong nakaupo sa couch si Jona. Agad naman siyang tumayo at niyakap ako.
Sinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko at umiyak. Para namang pinukpok ng martilyo ang puso ko dahil sa ginawa niya.
"Do you still love me?" Tanong niya kaya naguluhan ako. "Please, answer me."
"Sabi ni Gilbert sakin, hindi mo na daw ako mahal. That you're happy and contented with him. Na...may nangyari sa inyo." Sabi niya kaya namilog ang mata ko.
"Walang nangyari sa amin. Hindi ko magagawa iyon. Nalasing lang ako at nakatulog. Walang nangyari." Sabi ko at niyakap siya.
Naawa pa naman ako kay Gilbert. Bakit ba niya sinabihan si Jona ng ganun? Why does he want to ruin my life?
"Now, let me explain." Sabi niya. I know what he meant and this is what I'm waiting for. "I didn't mean to kiss Claire. I was-"
Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil biglang pumasok ang parents namin. Masama ang mga tinging binabato nila kay Jona.
"Totoo ba Jonathan?" Tanong ni Tito Nathan. Bakit ba sila nandito?
"Na ano po?" Tanong naman ni Jona. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Why is this happening?
"Totoo ba ang sinabi ni Claire na bakla ka?" Tanong naman ni Tita Jean. Yumuko lang si Jona.
"At ginamit mo lang ang anak namin para itago ang pagkatao mo huh?" Tanong ni Dad. Galit na galit si Mom at Dad. Tuluyan nang tumulo ang luha ko.
"Totoo pong bakla ako, pero mahal ko po si An-An." Sabi niya and I heard his sobs. Niyakap ko naman siya agad.
"Andrea, Jonathan, we will cancel this wedding." Seryosong sabi ni Mom. Napatingin naman kami sa kanila.
"Wag po ma, mahal po namin ang isa't isa." Sabi ko pero umiling lang sila.
"Ayokong gamitin mo ang anak ko para pagtakpan ang pagkatao mo. Kaya ngayon pa lang binabawi na namin siya." Sabi ni Dad at hinatak ako.
"Dad! Dad please. Mom." Hindi pa din sila nakinig sa akin. Naramdaman ko na lang ang yakap ni Jona.
"Tita, Tito, mahal ko po talaga ang anak niyo. Please, hayaan niyo akong magbago para sa anak niyo." Sabi niya at isinubsob ang ulo sa leeg ko. Napahinto sa paglalakad si Dad at tiningnan kami. Alam kong naawa siya pero mas nangibabaw ang galit sa puso niya.
"You had all the time to change. But you wasted it. Binigyan ka na ng oras para magbago pero walang nangyari kaya babawiin na namin ang anak namin." Sabi ni Dad.
Sinakay niya ako sa kotse at pinatakbo ito pauwi sa bahay. Wala akong nagawa, iyak lang ako ng iyak.
"I'm sending you to U.S. You'll manage our branch there. No more buts. Sana hindi ako pumayag sa arrainged marraige na iyon." Dad said.
Kapag si Dad na ang nagsalita, wala nang sasalungat sa kaniya. And now, I'm left with no choice. Good bye Philippines. Good bye Jona.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Gay
RomanceDahil sa nangyari sa nakaraan, Andrea doubts that her heart would beat for someone again. Then she met Jonathan, isang bakla na nagpapanggap na lalaki sa harap ng parents niya. At dahil sadyang mapaglaro ang tadhana, silang dalawa ay itinakdang ipak...