Andrea's POV
"Ang ganda!" I exclaimed when I saw the view. Nasa hotel kami ngayon. Katabi ng hotel ay isang beach resort.
Gabi na kaya narito ako sa balkonahe para magpahangin. Hindi ko aakalaing ganito pala kaganda ang view.
"You like it An-An?" Tanong ni Jona kaya tumango ako. Ang ganda talaga ng view.
Makikita ang ilaw ng barko at city lights mula rito. Full moon din ngayon kaya lalong gumanda ang tanawin.
"The view is breathtaking!" I said.
Naramdaman ko na naman ang katawan niyang dumikit sa likod ko. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko.
"Kahit gaano man kaganda ang mundo, hindi nito mapapantayan ang ganda mo." Sabi niya. Palihim akong ngumiti.
"Ang corny mo!" Sabi ko at kinurot ang braso niya.
"Pero mas maganda pa rin ako!" Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Kaya nga mahal kita eh." Sabi ko at ngumiti.
"Mas mahal kita." Sabi naman niya.
"Mas mahal na mahal na mahal kita." Bulong ko sa kaniya.
Tiningnan niya lang ako, and the next thing I knew, dumampi na ang labi niya sa labi ko.
I responded to his kisses and hugged him. Binuhat niya ako at dinala sa kwarto, patuloy pa rin kami sa paghahalikan. Dahan dahan niya akong hiniga. Then he stopped kissing and looked at me.
"Mas mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita!" Sabi niya kaya napangiti ako.
"Matulog na nga tayo!" Sabi ko at inayos ang pagkakahiga. Tumabi na din siya sa akin.
Nakatalikod ako sa kaniya habang nakayakap naman siya sa akin.
"Good night Jona." Sabi ko.
"Good night An-An ko!" He responded.
***
Nagising ako habang yakap yakap pa rin ako ni Jona. Bumangon ako at tiningnan ang clock. 5:35 pa lang ng umaga. Himala, maaga akong nagising ngayon.
Pumunta ako sa balkonahe. And again, I was fascinated and amazed by the scenic view.
Mas maganda palang panoorin ang sunrise mula rito. Tiningnan ko ang pagtaas ng araw at ang pagbago ng kulay ng dagat at langit.
"Wow!" I said while looking at it. Then I felt Jona's hands wrapped around my waist.
"Isn't it amazing?" I asked him. He nodded in response.
"But the most beautiful view I have ever seen is this person I'm hugging." Sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya.
Ako ba ang tinutukoy niyang this-person-I'm-hugging? Obviously!
"Ako?" I asked kaya tinaas niya yung kilay niya.
"Eh sino pa ba?" He said kaya kinurot ko na lang siya.
"Ouch! Siyempre, ikaw. Sino pa ba? Ikaw yung kayakap ko diba?" He said kaya tumango lang ako.
"Do you know that sunrise is called 'the start'?" He said kaya napatingin ako sa kaniya. He looked at me at binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about look.
"Sunrise happens everyday. And everyday is unique. Hindi naman araw araw pareho yung nangyayari diba? Eh di parang deja vu lang." He said. Napatingin lang ako sa kaniya.
"Sunrise means a new day, a new start. Kahit lumubog man ang araw mo, kahit gaano man kadilim ang gabi mo, there will always be sunrise." He said.
Naamaze ako sa kaniya kapag binibigyan niya ng kahulugan ang lahat ng bagay. And this made fall for him even more.
"Just like life. Kahit ano man ang pinagdaanan mo, kahit gaano man kasakit ang nakaraan mo, don't lose hope, because the sun will always return and give you light." He said habang nakatingin sa malayo.
"Kumain na nga tayo, kanina ko pa naririnig yang tiyan mo!" Sabi niya kaya napatawa na lang ako.
Naligo muna kami saka pumunta sa restaurant na malapit lang sa hotel. Pagkatapos namin kumain, pumunta agad kami sa beach resort.
"Ang daming fafables!" Sabi niya habang nakatingin sa mga lalaking nakatopless. Nagfake cough naman ako kaya tiningnan niya ako.
"Sus! Jelly much si An-An ko. Possessive! Don't worry bebe, kahit bakla ako, ikaw lang ang mahal ko." Sabi niya kaya ngumiti ako.
"Ay! Kinikilig siya!" Sabi niya habang kinukurot yung pisngi ko.
"Andrea!" Narinig kong may tumawag sa akin kaya napatingin ako rito. Agad naman ako nitong hinalikan sa pisngi. Napatigil kaming dalawa ni Jona.
"Matt?" Remember, Matthew Sandoval.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Gay
RomanceDahil sa nangyari sa nakaraan, Andrea doubts that her heart would beat for someone again. Then she met Jonathan, isang bakla na nagpapanggap na lalaki sa harap ng parents niya. At dahil sadyang mapaglaro ang tadhana, silang dalawa ay itinakdang ipak...