Chapter 11

4.6K 164 10
                                    

Andrea's POV

Isang linggo na ang lumipas. Lagi pa rin kaming nagde-date ni Phillip. Iniiwasan naman ako ni Jona. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa.

Papunta ako ngayon sa company nila Phillip. Yes, mayaman din sila. Gusto ko lang siyang bisitahin. CEO na din siya ng company nila at marami na run siyang achievements.

Pagdating doon, pumasok na ako sa loob at sumakay sa elevator. Pinindot ko ang 50th floor. Nang bumukas na ito, agad kong pinuntahan ang secretary.

"Good morning ma'am! How can I help you?" Sabi ng sekretarya at ngumiti.

"I'm here for Mr. Phillip Bernardo." Sabi ko. Tumango siya at nag-excuse.

"I'm sorry ma'am, Mr. Bernardo is currently busy." Sabi niya.

Tumango na lang ako. Ngunit, naramdaman kong naiihi ako kaya tinanong ko kung saan ang comfort room. May itinuro siyang direksyon kaya agad akong pumunta doon.

Pumasok ako sa CR at naghanap ng cubicle. Then, I did my business. Lalabas na sana ako ng cubicle nang may narinig akong nag-uusap.

"Phillip, ano ba talaga ang plano mo?" Sabi ng babae, pamilyar na pamilyar ang boses niya. And wait, kausap niya si Phillip.

"Gusto kong mahulog ulit ang loob niya sakin. Gusto kong mahalin niya ulit ako." Sabi ni Phillip at napangiti ako sa sagot niya.

"And then?" Tanong ng babae.

"And then, I'll break her heart just like how she broke mine." Sagot naman ni Phillip. Tumulo ang mga luha sa aking mata. So, planado lahat ng ito. He wants to break my heart.

"Don't worry Tamara. After this, our wedding will be held." Sabi ni Phillip sa babae, na walang iba kundi si Tamara. So, engage na pala siya kay Tamara. At gusto lang niyang maghiganti kaya siya nakikipagdate sa akin.

Tumulo na ang luha ko at sumisikip ang dibdib ko. Gusto kong i-untog ang ulo ko dahil sa katangahan ko. Five years akong nagdusa, sinisi ko ang sarili ko sa paniniwalang patay na siya. And now that he's alive, all he wants is revenge.

"Oh, babe!" Narinig ko ang ungol ni Tamara. Sigurado akong naghahalikan sila. Nanatili lamang ako sa cubicle hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumabas.

At ginawa ko nga, lumabas ako at nakita ko ang posisyon nila na lalong nagpasikip ng dibdib ko. Nagyayakapan sila habang naghahalikan. Napatingin naman sila sa akin.

"Akala ko ba napatawad mo na ako." Mahina kong sabi kay Phillip. Ngumisi lang siya at umiling.

"Hindi ko mapapatawad ang isang slut na katulad mo." Sabi niya sa akin.

"Hindi mo kasi alam ang totoong kwento. Maniwala ka sakin." Sabi ko ngunit umiling ulit siya.

"Why would I believe you? And anyway, hindi na kita mahal. Lahat ng iyon ay pagpapanggap lang." Sabi niya at ngumisi ng nakakaloko. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

"How does it feel? Masakit bang lokohin ka?" He asked. Hindi ko siya sinagot at pinunasan ang mga luha ko.

"Yan ang naramdaman ko noong niloko niyo ako ni Gilbert. Ang sakit diba?" Pagpapatuloy niya. Hindi ko na pinakinggan ang sunod niyang sinabi at lumabas na ako ng CR.

Agad akong pumunta sa basement at sumakay sa kotse. Paulit ulit kong sinampal ang sarili ko. Ang tanga tanga ko. Bakit ba ako nagpakatanga sa kaniya?

For five years, hindi ako nagkanobyo dahil siya pa din ang laman ng puso ko pero heto at gusto niya pala akong saktan.

"Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!" Sigaw ko sa sarili ko habang patuloy pa ring tumutulo ang luha ko.

Pinaandar ko na ang kotse at pinaharurut ito. Mabilis ang takbo ng kotse ko pero wala na akong pakialam. Pinatakbo ko ito hanggang sa makarating ako sa bahay. Pinark ko ang sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa loob, nakita kong nag-iinuman si Jona. May kasama siyang tatlong beki at dalawang lalaki. Tiningnan lang ako saglit ni Jona pero hindi rin pinansin.

Umakyat ako papunta sa kwarto ko at nagkulong doon. Rinig na rinig ko ang tawanan nila habang nag-iinuman. Lalo itong nagpasikip sa dibdib ko.

Kanina, nasaktan ako dahil niloko ako ni Phillip. Pero, bakit nasasaktan ako ngayon dahil hindi ako pinansin ni Jona? At mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.

Ano ba kasi ang nararamdaman ko para kay Jona? Kaibigan lang ba ang tingin ko sa kaniya o higit pa doon?

Kung kanina, gusto kong umiyak, ngayon naman ay naguguluhan ako. Mahal ko pa ba talaga si Phillip? Hindi ko alam. Pero bakit nasaktan ako dahil niloko niya ako? Dahil ang sakit talagang maloko. Yung feeling na pinapakilig ka niya, yun pala, pinapaikot ka lang niya.

Gusto ko na ba si Jona? Hindi ko alam. Pero bakit ako nasasaktan dahil lang sa hindi niya ako pinansin? No acceptable reason. Ang alam ko lang, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nilalambing niya ako.

Sa sobrang pag-iisip, nakatulog na pala ako.

***

Nagising ako. Hapon na pala. Nagbihis ako ng pambahay kong damit. Maong na short shorts at sweater na maroon.

Bumaba ako at nakita kong nakaupo pa din si Jona sa sofa. Nakatulala lang siya habang tinitingnan ang bote ng beer. Umalis na siguro ang mga kainuman niya kaya lumapit ako sa kaniya.

"Pwede ba kitang samahang uminom?" Tanong ko. Hindi niya ako tiningnan at hindi din siya sumagot. Nakatutok lang siya sa bote na hawak niya.

"Silence means yes." Sabi ko at umupo sa tabi niya. Kumuha ako ng isang bote at sumandal sa sofa. Iinumin ko na sana ito nang pigilan niya ako.

"Wag kang maglasing." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin at tuluyang ininom ang beer.

"I think this will ease the pain I am enduring right now." Sabi ko at uminom ulit.

Nakailang shots na ako at lasing na lasing na. Iinom pa sana ako ng pigilan ako ni Jona.

"That's enough! Lasing ka na." Sabi niya. Ngumisi lamang ako. Kinuha niya ang bote at inilagay sa case. Pagkatapos ay binuhat niya ako papunta sa kwarto ko.

Hiniga niya ako sa kama. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Please stay." Sabi ko napatingin naman siya sa akin at tumango.

"I'll always stay with you." Bulong niya sa tenga ko saka niyakap ako ng napakahigpit.

Marrying Mr. GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon