masama ba?

126 1 0
                                    

Masama ba na pagmasdan kita sa malayo habang kasama mo sya
Masama bang pangarapin kita kahit na kayo pang dalawa
Masama bang mahalin kita kahit na mahal mo sya
Masama bang mag baka sakali na maging tayo dalawa

Alam ko naman na wala ako nong mayroon sya
Alam ko naman na hindi ako siya
Alam ko naman na maliit lang ang pag-asa
Pero masama ba?

Oo pinagpala sya
Lahat ng blessing nasa kanya
Mayaman at may itsura
Lahat ng tao humahanga sakanya

Totoo nakakainggit sya
Kasi mahal mo sya
Samantalang ako inaantay kita
Hindi naman siguro masama diba?

Masakit sa pakiramdam
Kahit pa ganon hindi ako napapagod na saiyo ay magparamdam
Umaasa na baka kinabukasan
Masuklian mo na aking nararamdaman.

-2018-


Maikling Tula Para Sa'yo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon