I'm Bianca Shane deguzman bilang isang nerd sa enchant university.iniba ko lang Ang name ko as a Shane deguzman.syempre hindi mawawala ang pangalan ng deguzman family noh.
Actually samin tong enchant university at tita haze ko ang namamahala hanggat wala pa sila mom and dad.
Dito sa enchant university ay lagi akong binubully pero lagi naman akong nililigtas ni charles.his my ultimate crush and bestfriend..no attachment pero ang tingin ng iba ay mag jowa kami o magbestfriend.kasi parehas kaming bookworm ni charles.
Lagi kami nyang magkasama at minsan nandon sya sa mansion para don kami minsan magusap about topic on subject.
Ang Kuya ko naman ay minsan nagdadala ng babae nya don sa condo nya at alam nyo na ang ginagawa nila.
Naging ganyan lang naman sya seins nong iniwan sya ni ate michelle non.
Nong anniversary kasi nila ay hindi sumipot non si ate michelle kasi pinadala sya ng mga parents nya na pumunta ng France.
Medyo nagalit din ako Kay ate michelle non kasi nag effort ng lubos si Kuya non at tumulong ako non kasi alam ko magugustuhan ni ate michelle lahat ng effort na ginawa ni Kuya.
Simula ng Iwan ni ate michelle si Kuya ay lagi itong may dalang babae sa condo nya at minsan nababalitaan na lang namin na nakikipagbasag ulo na don sa kalye.
Naawa nga ako Kay Kuya non kasi lagi syang nambabae at nakikipagbasag ulo.nangdahil kay ate michelle naging ganon ang Kuya ko.
Pero awat muna tayo dyan at kay Shawn rage mansano tayo.simula nong naging classmate ko yan seins gradeschool kami alam nyo bha ang ginagawa nyan sakin.
Ayon lagi kaming aso't pusa.minsan naghahamon ng away aba syempre pinapatulan ko din.lagi akong binubully nyan Hanggang ngayong senior highschool na kami eh ganon parin ang ginagawa nya.
Ang Ayoko kasi sa kanya is yong may pagka mahangin sasabihin nyan gwapo daw sya at sinasabihan nya naman ako na crush ko daw sya pero hindi daw sya napatol sa mga low class na babae.
Wow ha low class eh kong ipakain ko sa kanya yong totoo kong mukha baka maglaway pasya sa kagandahan ko.
Alam nyo kasi..pag nagkaroon kayo ng nerd na kaibigan dapat respetuhin nyo.di yong lalaitin nyo.malay nyo pala isa syang magandang babae na tinatago lang Ang kagandahan nya Diba.
Yan ang mga hindi type ni Shawn sa babae.nerd lang eh!ano bakit?porket nerd lang di na sila babae at hindi na sila pwedeng magustuhan ng mga lalaki.
So awat na tayo dyan..by the way nandito ako ngayon sa library as usual kasama ko si Charles.parehas kaming nakaheadset at busy sa kababasa ng libro.next month na kasi ang midterm exam kaya tudo kami review ni charles.
Natauhan nalang kami kasi biglang nagbell kaya sinarado ko na ang libro ko at nilagay sa bag.
"Hey Charles San ka pala maglulunch?"tanong ko sa kanya.
"Hmm siguro sabay nalang tayo..sa garden kasi ako kakain mas peaceful pa kasi don at walang maingay"ani nya at tumango lang ako at sinukbit na ang bag ko sa balikat.aba malamang sa balikat di naman pwede sa pwet tanga na ang nagsukbit sa pwet ng bag.
Habang naglalakad kami sa hallway ay puro bulungan ang maririnig mo.
"Grabe naman kong makasip sip tong nerd na toh sa prince Shawn natin girls"
"Yuck kadiri.dumidikit yong nerd kay prince Shawn.wahh prince Shawn layo layo ka dyan sa panget na nerd na yan"
Hindi ko iyon pinansin bagkus ay tumuloy na lang kami sa pag lalakad papunta sa garden.
Bago pa kami makatungtong sa garden at napatalikod kaagad ako.
Tinakpan ko ang tenga ko at napapikit.grabe noh bayan hanggang dito ba naman may nag mamaking out.
Langya talaga yang si shawn.p*tcha!nga pala hindi nabanggit ni miss A na isang playboy din yang si Shawn.
Bigla akong hinila ni charles kong saan basta malayo sa garden.
"Hey where we going?"tanong ko sa kanya.
"Sa inyo nalang total wala namang maingay don."sabi nya at Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa parking lot.
"Get in"pumasok ako sa loob at nagseatbelt.
"May baon ka bha para magluch sa bahay?"tanong ko sa kanya.
"Hmm wala eh luto ka nalang para may pangluch ako"sabi nya at ngumiti ng nakakaloko.
"Wow ha kapal din ng mukha mo noh.magluluch ka tapos wala ka naman palang baon para magluch tsk"sabi ko sa kanya at pinaandar nya na ang kotse nya.
"Nga pala kamusta sa HQ?"tanong ko sa kanya.
"Wait how did you know that?"sabi nya at tumingin sakin saglit.
"A-ah uhm..nagtatanong lang si Kuya Diba kasi gangster kayo..kaya yon nagpapatanong kong kamusta na daw yong HQ"sabi ko at umiwas ng tingin.
"Hmm okay naman kaso may problema lang dahil sa demon gang"sabi nya sakin at natahimik nalang ako at tumingin sa labas.
Jusko mabubuking pa ako...ang Akala lang kasi nila isa lang akong simpleng Kapatid ni Kuya pero ang ang hindi nila alam eh ako yong princess gangster na ang alam nila eh nawawala daw.
Tsk as if naman nawawala ako...eh halos kasama na nila yong princess eh haha.
"Oi sabi ko baba na tulala ka na naman dyan"tapik sakin ni charles.
"A-ah uhm ano ulit sabi sorry may iniisip lang kasi ako"sabi ko sa kanya.
"Hayst Ewan sayo Tara na baba na oy anong oras na oh"sabi nya at lumabas na ako ng kotse nya at pumasok sa loob ng bahay.
"Manang doise"tawag ko sa kasang bahay namin na si nany.
"Oh hija bat ang aga ng uwi nyo"tanong samin ni nany doise
"Dito po kasi kami mag lulunch nany eh"sabi ko sa kanya at nagkamot ng ulo.
"Oh sige don na kayo sa lamesa ipahahanda ko kayo ng pagkain."sabi ni nany doise at pumunta sa kusina.
"Tara na"sabi ko sa kanya at pumunta kami sa may lamesa dito sa may dining.
Umupo kami at naghanda yong mga maid ng dalawang pinggan at mga kutsara at tinidor.
Maya Maya ay lumabas yong ibang maid at may dala ng mga pagkain.
"Ayan na ah baka magreklamo kapa"sabi ko kay charles at tumawa lang sya.gwapo nya lang pag tumatawa at ngumingiti.
"Baka matunaw ako nyan ah"sabi nya at Hindi ko pala namalayan na tulala na pala ako sa kanya.
"Haha wag ka...baka gusto mo sapakin kita ng Hindi ka na sikatan ng araw."sabi ko sa kanya.
"Haha sige na kumain nalang tayo"sabi nya at kumuha na ng kanin at ulam.
"Kumain lang!walang tayo"pambabara ko sa kanya.
"Tss di wow"sabi nya at nagsimula ng kumain.
Kumuha na ako ng pagkain ko at susubo na sana ako ng narinig ko ang boses na pinaka ayaw ko sa lahat na marinig ulit yon.
"Te michelle"
________________________________________________________________________
Hey guys so sana mabasa nyo toh haha.😍😘
BINABASA MO ANG
ms.nerd is a gangster princess
RomanceIsang nerd na Manang magsuot ng uniform at laging binubully ng mga studyante sa enchant university. Sanay na sya sa mga treat ng studyante sa enchant university for short EU. Ang di alam ng mga studyante ay isa syang gangster princess at Kuya nya an...