Ang Pangatlong Pagbalik

6 1 3
                                    

*someone's POV*

"Handa na kaya siya? Ano sa tingin mo?"

"Makikita natin 'yan."

"Bakit hindi pa natin sabihin sakanya!"

"Ang lahat ng bagay ay may tamang panahon."

"Kung gayon, Ang sinasabi mong tamang panahon ang siyang kikitil saatin."

~~~ ♠ • ♣ • ♠ ~~~

"Tok! Tok! Tok!"
Mayroon nalamang biglang kumatok sa pinto. Inisip niya na marahil ito ang doktor ngunit sa pagkakaalam niya ay pinaalis na niya ito. Dahan-dahan ang pinto ay bigla nalamang nagbukas. "Ginoong Zhy? Maaari ko po ba kayong makausap?"

Tanging pag kabigla ang siyang bumabakas sa kanyang muka sa pagkakataong ito. "S-Sino ka?" Tanong ni JL sa lalaki.

"Ako si Atty. Panganiban, nandito ako upang ibigay sa'yo ang inihabilin ng INA MO!" Inilabas at inilabas niya ang isang envelope at may kinuhang papel at binasa sakanya ang nakasulat. "Mr. JL Zhy sa pagkamatay ng iyong ina, at sa kahilingan na rin ng iyong ina bago siya mawala ay ibibigay sa'yo ang lahat ng ari-arian o natitirang yaman na ipinatago niya na nag kakahalaga ng 10 Million piso kasama na dito ang bahay at lupa. Ngunit upang makuha mo ang yaman na naiwan ng iyong ina kinakailangan mo munang makapagtapos ng koleheyo, sa oras na matapos mo ang iyong pag-aaral makukuha mo na ang yaman na naiwan ng iyong ina pero huwag kang mag alala ang iyong pag-aaral ay susuportahan gamit ang yaman na iyong mamanahin." Pag papaliwanag sakanya ni Attorney panganiban. Habang nakaupo sa upuan sa kaliwang bahagi ng kanyang hinihigaan.

"A-Anong 10 Million!? Hindi naman kami mayaman, Oo may kaya kami pero napaka laking halaga ng 10 Million!" Nabigla siya ng marinig ang sinabi ni atty.Panganiban. Dahil sa pag kakaalam niya ay ang trabaho lang ng kanyang ina ay isang secretary sa isang kompanya.

"Hindi ko alam Mr. Zhy ngunit tama, 10 Million ang halaga na matatanggap mo sa iyong mana." Pagpapaliwanag niya. "Mr. Zhy mawalang galang niyo na po ngunit mauuna na po ako. Excuse me po." Habang papaalis na si Atty. Panganiban ay nakasalubong niya ang doktor ni JL at patungo ito sa kwarto kung saan naroroon si JL.

"Ginoong JL. Pwede na kitang i-discharge dahil wala na akong nakikitang problema pa saiyo." Sa pamamalagi ni JL ng isang linggo dito ay sawakas mabuti na ang kanyang pakiramdam.

"Sige po doc, maraming pong salamat. Pasensya na rin po sa inasal ko siguro hindi ko lang talaga matanggap na wala na si mama." Marahan niyang sinabi habang may nag babadyang mga luha sa kanayang magkabilang mga mata.

Reset: The Odd Life Of Clock ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon